Dahil alanganing oras na, walang katao-tao sa lobby ng ospital. Maski sa elevator ay mag-isa lang na sakay si Analyn. At ng lumabas na siya ng elevator, wala ring naglipanang tao sa corridor.
Nang makarating si Analyn sa labas ng pintuan ng kuwarto ng Papa niya, hindi niya nagawang pumasok agad. Huminto siya sa labas at saka pinakalma ang sarili. Parang ayaw niyang maniwala na nandito na siya sa labas ng kuwarto ng Papa niya at makikita na niya itong gising.
Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang kakalma ang pagtibok nun kapag hinawakan niya. Panay ang buga niya ng hangin. Pakiramdam niya ay punong-puno ng hangin ang dibdib niya at anumang sandali ay maiiyak na lang siya kapag hindi niya binakante ng hangin ang dibdib.
Sumilip siya sa maliit na salami sa pintuan. Gusto niyang masigurado na totoo ang ibinalita ni Jan. Nakita niya ang Papa niya na nakadilat ang mga mata at kausap ni Jan. Bahagyang nakataas ang itaas na bahagi ng kama nito at naka