Papasikat na ang araw ng tinigilan ni Anthony si Analyn. Hindi napigilan ni Anthony ang mapangiti habang matamang nakatitig sa magandang mukha ni Analyn. Ngayon lang naging ganito kaganda ang umaga niya.
“Good morning…” pagbati ni Anthony.
Inirapan ni Analyn si Anthony.
“At nagawa mo pang mag-good morning talaga?”
Lalong lumapad ang ngiti ni Anthony. “Eh, sa good ang morning ko, eh! Sa sobrang good ng morning ko, gusto ko pa ngang humirit, eh!”
Itinulak ni Analyn si Anthony, pero nanlalambot na siya kaya hindi man lang natinag ang lalaki sa malamyang pagtulak niya. Kumpara sa lalaki na para bang lalo pang na-energize pagkatapos ng ilang rounds nila.
“Ano’ng humirit ka diyan? Pagod na ko.”
Bahagyang natawa si Anthony. Bumaba na ito ng kama pero binuhat niya si Analyn at saka sila pumasok sa loob ng banyo.
Naupo si Anthony sa gilid ng bathtub habang nasa kandungan niya si Analyn. Inabot niya ang gripo para dumaloy ang tubig. Mayamaya, tinimpla na niya ang temperatura ng tubig at sak