Hapon na ng magising si Analyn. Kumakalam na kasi ang sikmura niya. Kailan pa ba kasi ang huling kain niya?
Tiningnan niya ang katabing espasyo sa kama. Wala roon si Anthony.
“Awake?”
Nilingon ni Analyn ang pinanggalingan ng boses. Nakaupo si Anthony sa pang-isahang sofa sa may paanan ng kama habang nasa hita niya ang nakabukas na laptop..
Pupungas-pungas na bumangon si Analyn.
“Nagtatrabaho ka na?”
“Malamang. Baka hiwalayan mo ako kapag naghirap na ko.”
Umirap si Analyn sa hangin, kasi somehow, kinilig siya sa sinabi na iyon ni Anthony pero ayaw niyang ipahalata sa lalaki.
“Get ready. Maligo ka na, tapos kain na tayo bago pumunta ng ospital.”
“Sige.”
Akmang bababa na ng kama si Analyn ng bigla siyang natigilan. Inulit niya sa isip niya ang sinabi ni Anthony.
“Ano’ng sabi mo?”
Kagabi pa niya gustong sabihin kay Anthony na samahan siya sa pagpunta sa ospital pero nahihiya siya. Ayaw niyang iobliga ang lalaki dahil hindi naman kasama sa kasunduan nila iyon. Ang hiningi lang niya r