Nakalabas na si Damian sa ospital at iniuwi sa bahay na nahanap ni Vhance. Paminsan-minsan ay dumadalaw roon si Anthony.
“Okay na ko. Akala ko ba sabi mo ako lang ang hinihintay para matuloy ang kasal n'yo sa simbahan?”
Napahinto si Analyn sa ginagawa. Hindi niya akalain na maaalala ng Papa niya iyon.
Muling itinuloy ni Analyn ang ginagawa at saka sinagot ang ama-amahan.
“Kailangan pa ba ‘yun eh iang buwan na kaming kasal ni Anthony? Formality na lang naman ang ganun. Okay na kami ni Anthony.”
Napamaang si Damian sa sagot ni Analyn.
“Anak, minsan lang ikakasal ang isang babae sa simbahan ng naka-trahe de boda. Bakit mo naman ipagkakait sa sarili mo ‘yun?”
Napakamot sa ulo niya si Analyn.
“Eh, okay na ako, Papa. As long as kasal kami ni Anthony, okay na.”
Matamang tinitigan ni Damian ang anak-anakan.
“Iyong totoo, Analyn. May hidden agenda ba iyang kasal n’yo?”
Muntik ng mabitiwan ni Analyn ang hawak niyang baso na pinupunasan.
“‘Pa naman… ano’ng hidden agenda? Walang ganun…”