Nawala man si Vi, pero kailangang ituloy pa rin ang proyekto. At dahil design ni Analyn iyon, responsibilidad niyang ayusin ang nabinbing proyekto.
Ang unang ginawa ni Analyn ay gawan ng major revision ang design. Ayaw niyang sa tuwing maiugnay kay Vi ang lalabas na design.
Walang duda na nakapassa sa final review at final approval ang bagong disenyo ni Analyn.
Pagkatapos ng matagumpay na contract signing, naging mainit na usapan sa departamento kung makukuha ba ni Analyn ang posisyon ng pagiging manager. Pero marami rin ang nagsasabi na malakas din ang laban ni Fatima dahil sa mga achievements nito sa kumpanya.
“Ayokong maging manager, maraming trabaho ‘yun.” Iyan ang sagot ni Analyn kay Michelle ng banggitin ng huli ang naririnig niyang usap-usapan.
“Ha? Tatanggihan mo if ever na i-offer sa ‘yo? Gagi. Hindi ba at kailangan mo ng pera para sa medical expenses ng Papa mo? Siyempre, promotion ‘yun. Kapag na-promote ka, madadagdagan ang sahod mo. Okay ka lang?”
Medical expenses?
Upd