THEO'S POV:
Kasalukuyan siyang nasa MOA Arena para sa basketball game nila with Thunders. He is physically present pero lumilipad ang utak niya. It’s been a week pero wala pa din silang communication ni Heaven.
He can’t wait na matapos ang game nila na 'yun para maka-alis siya papuntang America. Isesekreto niya ang pag-alis niya, hindi man siya bigyan ni Earth ng address ni Heaven ay bahala na. Hahanapin na lang niya doon ang dalaga. Madali na lang naman siguro ‘yon. Pupuntahan niya ito sa bar, baka nagawi na si Heaven doon, o di kaya isa-isahin niya ang mga university doon sa New York. He needs to talk to Heaven. Manghihingi siya ng pasensya, makikipag-ayos siya sa dalaga. Gagawin niya ang lahat ng gusto nito balikan lang siya. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi sila nagkakaayos.
"Theo, focus!"
Sigaw ni Coach sa kanya. Mag-uumpisa na ang laro pero wala pa din siya sa huwisyo.
Nilibot niya ang tingin sa paligid, ang daming tao. Nakita niya ang isang babae na parang pamilyar sa kany