Search
Library
Home / Romance / Just a Bride, Not a Wife / Kabanata 92-"You and me, no one else..."

Kabanata 92-"You and me, no one else..."

Author: Spinel Jewel
2022-11-13 22:30:59

Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay.

"Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester.

"Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot.

"Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.

Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

"Ah..eh..", nauutal niyang tugon.

"Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"

Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito.

"Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP