Share

Chapxter 91-The Proposal

Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester.

Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye.

"Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.

Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba.

"Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises.

"Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa.

"Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status