Niloko at pinagtaksilan si Valerie ng kanyang boyfriend na si Ivan matapos niyang maipagkaloob nito ang kanyang pagkababae. Sa kanyang hangaring makaganti, pumayag siya sa isang kasunduan kapalit ng malaking halaga. Magiging bride siya pero hindi magiging asawa ni Lester Montefalcon, isang gwapo ngunit suplado at mayabang na anak ng isang mayamang may-ari ng malaking pabrika. Pareho nilang inaayawan at kinaiinisan ang bawat isa. "Hindi ikaw Valerie ang tipo kong babae kaya huwag kang umasa! Gawin mo ang nasa kontrata". "Hindi ikaw Lester ang lalaking pangarap ko at kahit ikaw na lang ang natitira sa mundo, hinding-hindi pa rin ako magkakagusto sa iyo!" Ngunit mapanindiganan kaya nila ito kung nagdulot ng kakaibang sensasyon ang kanilang bangayan? Paano kung muling magbabalik ang dating nobyo ni Valerie at desidido itong bawiin siya? Alin ang mas matimbang sa puso niya, ang lalaking hindi niya kayang kalimutan o ang taong ayaw niyang pakawalan?
View MorePasado alas kwatro na ng hapon nang makalabas si Valerie sa bangkong kanyang pinapasukan. Nagtatrabaho siya bilang teller sa Banco de Oro, Quezon City branch sa loob na ng tatlong taon. At ngayon kailangan niyang magmadali upang makarating kaagad sa condo ng kanyang nobyong si Ivan. Plano kasi niyang sorpresahin ito sa kanyang kaarawan at isang dinner date ang kanyang napagplanuhang gawin. Umorder siya kaninang umaga ng mga bulaklak, romantic candles at birthday cake sa Annabelle's Cookies and Pastries at nagpaluto na rin siya ng mga paboritong pagkain ng kanyang nobyo. Kaya kailangan niyang makarating agad sa condo dahil idedeliver ang mga iyon ng alas sais ng gabi.
Sumakay kaagad siya ng taxi ngunit naabutan siya ng matinding traffic sa daan kaya lampas alas singko na nang makarating siya sa condo unit ni Ivan. Nasa ikalawang palapag iyon kaya kailangan muna niyang sumakay ng elevator. Medyo kinakabahan siya sa kanyang plinanong sorpresa kasi first time niya itong gagawin. Umaasa na lamang siya na ma- appreciate ito ng kanyang boyfriend at mapasaya niya ito kahit papano.
Pagdating niya sa mismong pintuan ng condo, hindi na siya nag door bell pa dahil tiyak niyang wala pa ito. Kadalasan, alas syete na ng gabi ito nakakauwi mula sa pinapasukan nitong ospital. Isang doktor ang kanyang nobyo sa St. Luke Medical Center kaya laging abala ito lalo na kapag maraming pasyente na inaasikaso.
Alam naman niya ang passcode ng condo unit ng lalaki nu'ng dinala siya rito isang linggo na ang nakakaraan at iyon din ang panahong naisuko niya ang kanyang sarili dito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Valerie sa kanyang nobyo, buong puso niyang ipinagkaloob ang kanyang pagkababae kahit nais niyang sa araw pa ng kasal iyon mangyayari. Mapilit din naman kasi ang nobyo niya kaya hindi na siya nakapagpigil pa at tuluyan na niyang naisuko ang kanyang pagkabirhen.
Si Ivan ang unang lalaking minahal niya at isinumpa niyang ito na rin ang magiging huli. Mahal na mahal niya ito at nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya mag-aasawa kung hindi rin lang ito ang makakasama niya. Mahal din naman siya ni Ivan pero kahit minsan ay hindi siya inalok nito ng kasal. Kaya naisip niyang baka hindi pa handa and lalaki kaya maghihintay na lamang siya kung kailan ito magpo-propose. At sa isip niya, siguro nga'y nagbabakasali din ito na alukin siya ng kasal dahil alam nitong may mga kapatid pa siyang pinapag-aral sa probinsya.
Twenty five years old si Valerie at tatlong taon lang ang tanda ni Ivan sa kanya. Kaya kung tutuusin maari na silang lumagay sa tahimik dahil pareho na silang nasa tamang edad na. Apat na taon na rin ang kanilang relasyon at wala naman silang naging problema dito. Mabait at maasikaso naman ang nobyo niya kaya mas lalo itong napamahal sa kanya. Lagi siya nitong sinosorpresa tuwing may special na okasyon kagaya ng birthdays, monthsaries and anniversaries. Kaya ngayong kaarawan nito, siya naman ang magbibigay ng sorpresa.
Pagkatapos niyang mapindot ang passcode ng pintuan, pinihit niya ang doorknob at saka siya pumasok. Inilagay niya ang kanyang bag sa sala at kinuha doon ang pink na blouse na dala niya. Pumasok siya ng banyo upang magpalit ng kanyang uniform. Saglit na inayos ang sarili at naglagay pa ng konting pabango saka ito lumabas. Pagkatapos ay kinuha niya ang puting table cloth na bagong bili niya sa mall kahapon at inilagay ito sa mesa. Habang patuloy siya sa pag-aayos, bigla siyang natigilan nang makarinig siya ng lagaslas ng tubig. Huminto siya saglit sa kanyang ginagawa upang mapakinggan niya ito ng maayos. Lagaslas nga ng tubig ang kanyang naririnig at parang nanggagaling sa banyo ni Ivan. Dalawa ang CR ng condo, ang isa ay malapit sa kusina at ang isa naman ay nasa loob ng kwarto ng kanyang nobyo. Naisip niya baka nakalimutan nitong isara ang shower kaninang umaga. Kaya tinungo niya ang silid nito at dahan-dahang pinihit ang siradura ng pinto at saka siya pumasok. Ngunit, nagulat siya nang makita ang mga nakakalat sa sahig; isang pares ng sandal, damit at undies ng babae.
Biglang kinabahan si Valerie at napuno ng agam-agam ang kanyang puso. Pumasok siya sa loob ng silid at muling pinakinggan ang lagaslas ng tubig sa banyo. Maya’t maya’y nakarinig siya ng halinghing ng isang babae.
“Ivan…aaahhhh!”…
Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil hindi siya maaring magkamali ng pandinig, sinasambit ng babae ang pangalan ng kanyang nobyo. Bahagya niyang itinulak ang pintuan ng banyo, dahil hindi naman iyon naka lock. At nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita. Ang boyfriend niya ay may kasamang babae sa loob, parehong hubo’t hubad na nakahiga sa sahig habang pinagsasaluhan ang libog ng kanilang katawan. Si Ivan ay nakapatong sa ibabaw ng babae habang patuloy ito sa pagbayo. At ang babae naman ay patuloy din sa paghalinghing sa bawat pagtaas-at pagbaba ng katawan ng lalaki.
“Ivan…cge paaah..”
Hindi na niya kaya pang saksihan ang eksenang iyon. Tigmak na ng luha ang kanyang mga mata at halos hindi na siya makahinga. Pinahid niya ng kanyang mga kamay ang mga luhang malayang dumadaloy sa kanyang mga pisngi at mabilis na inihakbang ang kanyang mga paa papalabas sa silid na iyon. At sa sobrang pagmamadali niya nasagi niya ang lampshade sa bedside table ni Ivan kaya ito nahulog at nakalikha ng malaking ingay. Wala na siyang panahon pa para pulutin iyon dahil ang tanging nasa isip lamang niya ay makaalis na sa condo ng lalaki.
Walang patid ang pag-agos ng kanyang mga luha at nababalot ng sobrang kalungkutan ang puso niya. Matapos niyang kunin ang kanyang bag ay mabilis na tinungo niya ang pintuan at akmang bubuksan na sana niya ito nang mahawakan siya ni Ivan.
“Val, please let me explain”.
Hindi niya akalain na lumabas ito ng banyo para sundan siya. Nakatapis lamang ng tuwalya ang lalaki at basang-basa pa ang buo nitong katawan.
“Bitawan mo ko Ivan! Walang hiya ka!!!”, isang malakas na hiyaw ang kanyang pinakawalan kasabay ang pagbuhos ng matinding emosyon na kanina pa niya pinipigilan.
“Val..patawa---“, hindi na naipagpatuloy ni Ivan ang kanyang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.
“Ayaw na kitang makita pa Ivan!”, muling sambit niya saka ito tuluyang umalis ng condo.
Nasalubong niya sa may pintuan ang delivery boy na bitbit ang mga inorder niya ngunit para saan pa ang mga iyon?
"Ma'am, nandito na po ang order niyo", wika nu'ng lalaki.
Hindi na nagawa pa ni Valerie ang sumagot dahil parang kinakapos na siya ng hininga. Pakiramdam niya parang unti-unti siyang pinapatay sa sakit na kanyang nararamdaman. Kung sana'y bumuka na lang ang lupa at lamunin siya para matapos na ang matinding bangungot na ito sa buhay niya.
Naglalakad siya ng hindi niya alam kung saan pupunta. Pumara siya ng taxi ngunit hindi niya sinabi sa drayber kung saan siya bababa. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha at hindi niya alam kung kailan matutuyo ang mga mata niya.
“Saan po tayo ma’am?”, tanong ng drayber. Siguro nga’y nagtataka ito bakit hindi man lang niya sinabi kung saan ang punta niya.
“Ma’am saan po tayo?”, muling tanong ng drayber.
“Okay lang po ba kayo?”, dagdag pa nito na halatang nag-alala dahil sa kanyang walang tigil na paghikbi. Buti nga’y hindi siya napunta sa walang hiyang drayber, kung hindi baka may masamang nangyari na sa kanya. Kahit hindi pa naman dis-oras ng gabi dahil alas syete pa lang, ngunit wala namang pinipiling oras ang mga taong halang ang kaluluwa. Uso pa naman ngayon sa ka Maynilaan ang rape at brutal na pagpatay.
“Ma’am may problema po ba tayo?”.
Saglit na natauhan si Valerie. Kanina pa pala nagtatanong ang drayber sa kanya.
“Okay lang po ako manong. Ibaba niyo na lang po ako sa Restobar”, mahinahong sagot niya.
Kailangan niyang magpakalasing upang makalimutan saglit ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi niya lubos na maisip paanong nagawa ni Ivan ang bagay na iyon. Paano nitong nagawa na lokohin siya? Nasayang ang lahat ng plano niyang sorpresa dahil siya pala ang higit na nasorpresa. Masakit tanggapin ang katotohanan na niloko siya at sinaktan ng lalaking kaisa-isa niyang minahal sa buong buhay niya. Parang sinakluban siya ng buong mundo. Sobrang sakit…parang apoy na tumutupok sa bawat himaymay ng kanyang kaluluwa. Sa isip niya ng mga sandaling iyon, sana mamatay na lang siya upang hindi na niya maramdaman pa ang sakit ng kalooban. Kahit pilit niyang iwaksi sa isipan ang eksenang kanyang naabutan ngunit patuloy itong nagsusumiksik sa kanyang utak.
Sa isang iglap lang, nasira ang kanyang binuong pangarap. Pangarap ng isang masayang pamilya kasama ang lalaki. Ngayon ang tanging nararamdaman niya ay poot at panghihinayang. Sinayang niya ang kanyang panahon sa isang walang kwentang tao. Nagkamali siya nang ibigay niya ang buong pagtitiwala niya sa taong inaakala niyang totooong nagmamahal sa kanya.
“Ma’am nandito na po tayo”, wika ng drayber.
Inabot ni Valerie ang bayad at pagkatapos bumaba na siya ng taxi. Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa dahil sumasabay din ito sa bigat na kanyang nararamdaman. Ngunit pinilit niyang makarating sa loob ng restobar dahil umaasa siyang dito niya saglit na makakalimutan ang kasawian niya sa pag-ibig.
Hanggang sa makapasok na siya ng bar at mabilis na nakahanap ng table. Umorder siya ng dalawang boteng beer, at nang dumating ang order niya’y agad niya itong tinungga. Inubos lahat ng laman ng dalawang bote at dahil hindi sanay uminom ay nalasing na siya kaagad. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at bumibigat na ang kanyang mga talukap. Ngunit parang gusto niyang umihi kaya naglalakad siyang pasuray-suray habang naghahanap ng CR. Buti na lang at natunton niya kaagad ang ladies' room. At dahil hindi niya kabisado ang kanyang dinaraanan dala na rin ng kalasingan, bigla siyang nabangga sa isang matipunong dibdib, at eksaktong iyon din ang pagbaligtad ng kanyang sikmura kaya du'n niya naisuka ang lahat ng mga nainom niya.
"What the hell---", pabulyaw na wika ng lalaking kanyang nakabangga.
"You have to pay for this, clumsy woman!" muli nitong sigaw.
"Hoy, huwag mo akong inglishin ha...Ka-sha-la-nan mo iyan dahil paharang harang ka sha daanan ko", pabalang na sagot niya na halatang hindi na maayos ang pagssasalita dahil sa kalasingan.
Bahagyang tumingin siya sa mukha ng lalaki ngunit hindi malinaw sa kanya iyon.
"At ikaw kung shi-no ka man, pare-pareho kayong lahat. Mga wala kayong kwenta!!!", malakas na sigaw niya at pagkatapos noon ay hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments