“Adira!” saway ni Erlinda. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito sa babaeng gusto niya para kay Karim.
“Bakit ako? Gumanti lang ako, Mom.”“Huwag mo akong matawag-tawag na ina dahil hindi kita gusto para sa anak ko!”“Enough!” Crack! Sigaw ni Karim kasunod ng paghagis nito ng bote sa sahig. Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nakakarindi na sagutan ng tatlo. Gusto niyang ilabas ang init ng ulo niya. Lalo lamang siyang nainis nang makita ang paghanga sa mga mata ni Ryder habang nakatingin kay Adira. Tila natuwa pa ito dahil sa pagiging palaban ng asawa niya.Bakas ng takot ang mukha ng lahat ng mga bisita nang makita ang namumula sa galit na mukha ni Karim Walton. Ang bagong CEO ng Walton Pharma na sa loob ng mahigit isang taon nagawa na nitong kontrolin ang kalahati ng stock market sa buong bansa.“Ahhh! Aray! Karim nasasaktan ako!” Pilit na nagpupumiglas si Adira mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang asawa sa kamay niya. Halos madurog ang kanyang palapulsuhan ngunit patuloy pa rin ang marahas na paghila nito sa kanya paakyat sa hagdanan. “Karim!” Muling sigaw niya na nasasaktan ngunit parang wala itong narinig. Nang makitang nahihirapan siya sa pag-akyat sa hagdan agad din siya nitong binuhat.“Sige Karim, disiplinahin mo ‘yang asawa mo na kulang sa aruga!”Napalingon si Adira nang marinig ang malutong na halakhak ni Ryza habang nakaupo ito sa couch. Malandi ang paraan ng pagsipsip nito sa wine glass habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Kanina pa niya gustong durugin ito ng pinong-pino. Hindi talaga ito tumigil sa pag-ubos ng pasensya niya hangga’t hindi niya pinapatulan.Nakabalik siya sarili nang marinig na nagsara ang pintuan. Nasa loob na pala siya ng kanilang silid. Muntik pang mauntog ang ulo niya sa headboard ng kama nang marahas siyang tinulak ni Karim. Ang lalaking pinili niyang pakasalan kahit pa na dalawang taon lamang ang kontrata ng kanilang kasal. Ngunit sa kanilang dalawa, alam niyang siya lang ang nagmamahal.“Hindi ka ba titigil sa pagpapahiya sa akin, Adira?” Ramdam niyang gusto na naman siya nitong sakalin ngunit nagpipigil lang ito. “Mga bisita ko sila! Nandito sila para samahan akong e-celebrate ang birthday ko!” Kita niya ang paglabas ng berdeng ugat sa leeg nito na tipong isang maling sagot niya lang sasakalin na siya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya pa nagagalit si Karim gayung si Ryza naman ang may kasalanan.Mapakla siyang ngumiti dahil sa mga naisip niya. “At ako, huh? Ano ako sa ‘yo Karim? Tau-tauhan mo lang sa loob ng bahay mo para lang may matawag kang asawa? Hindi ba’t ginawa ko naman lahat upang pagsilbihan sila? Hindi naman yata tama na pati babae mo hayaan mo na lang na utus-utusan ako!” Nakita niya kung paano mag-alsahan ang mga matitigas na muscles nito sa katawan. Maging ang paggalaw ng mga panga nito nagpapahiwatig na napupuno na ito sa pagtitimpi sa kanya."Adira, alam mo kung ano ka lang sa buhay ko.” Mahina ngunit madiin nitong sagot.Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi nito. Masakit iyon para sa kanya, ano ba ang magagawa niya kung siya lang ang nagmamahal? Ngunit pilitin niya ang sarili na maging manhid. “Of course, hindi ko nakakalimutan kung ano lang ako sa buhay mo. Di ba noon pa sinabi ko na sa’yo na maghiwalay na lang tayo? Bakit hindi mo na lang ako palayain, Karim?”Matagal siya nitong tinitigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nakikita niya ang sakit na gumuhit sa mukha nito dahil sa sinabi niya. “Dahil hindi pa tapos ang kontrata natin! and I pay you billion for that fucking 2 year contract!” sumigaw din ito sa kanya na tila ba inaasahan na lang niyang puputok na ang ugat sa leeg nito.Mahina siyang tumango-tango. “I see. In that case, I'll pay you three times what you paid me to get my freedom.” Nakipagtagisan siya ng matalim na titig kay Karim. Ang alam niya lang pagod na siya sa pagpaparamdam sa lalaki na mahal niya ito. Na hindi mahalaga sa kanya ang pera na binayad nito dahil hindi niya kailangan ang mga iyon. Pumayag siyang magpakasal hindi sa pera kundi umaasa siya na baka sa loob ng dalawang taon magagawa niyang paibigin ito sa kanya. Ngunit sadyang matigas ang puso nito. Maaaring kapag nawala siya maging masaya ito sa piling ni Ryza.“I won't give your fucking freedom till I have my son." Nanlalabo ang mga mata ni Karim sa pagpigil ng hindi maipaliwanag na emosyon niya. Bakit ba napakadali sa babaeng ito na hiwalayan siya?Bam!Napaigtad si Adira sa gulat ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nanlalambot ang kanyang tuhod na umupo sa kama. Saka pa lang niya binuhos ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala mula sa kanyang mga mata. Tama ang Kuya Allaric niya. Walang maidudulot na maganda ang pagpapakasal sa taong siya lang ang nagmamahal. Gusto naman niyang lunurin ang sarili sa alak tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nag-aaway sila ni Karim. Ngunit nang maalala na buntis pala siya, nagkasya na lamang siya sa pag-inom ng juice. Inayos niya ang sarili at lumabas ng silid. Mula sa ibaba, hindi na niya nakita pa si Karim. Nakaramdam siya ng guilt. Sana nagtimpi na lang siya upang hindi masira ang kaarawan ng asawa niya. Unti-unti na rin nagsi-uwian ang bisita. Tama naman na dumaan si Manang Salve kaya niya ito tinawag.“Manang masama ang pakiramdam ko. Pakidala naman ako ng juice sa kwarto namin ni Karim.”“Ah, sige po, Ma’am.”Agad na siyang bumalik sa silid nila ni Karim. Pabalik na siya nang marinig na may nag-uusap sa veranda malapit lang sa kanyang silid.“Michael, wala ka bang gagawin upang hiwalayan ng anak mo ang babaeng ‘yan? Masyado na siyang perwisyo sa atin.”“Hayaan mo na ang anak natin. Okay naman si Adira. Kung paghihiwalayin mo sila, sino ang gusto mong pakasalan ng anak natin? Si Ryza?”“Eh, di ba, yun naman talaga dapat ang plano? Si Ryza naman talaga ang dapat na pakasalan ni Karim ngunit nagkaroon siya ng ovarian cyst kaya tinanggal ang dalawang ovary niya. Si Adira pinakasalan lang ni Karim para anakan. Kapag nanganak na si Adira hihiwalayan din siya ni Karim at kukunin ang bata. Dalawang taon lang naman ang kontrata nila dahil si Ryza ang talagang papakasalan ni Karim.”“Kung ganyan nga ang plano, ano ang pinagpuputok ng botse mo? Hintayin mo na lang na ang anak natin ang magdesisyon. Huwag mo na siyang pakialaman.”Nanikip ang dibdib ni Adira na bumalik sa silid nilang mag-asawa. Gusto niyang sumigaw upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Ang buong akala niya pinakasalan siya ni Karim upang makuha nito ang posisyon bilang CEO. Siya naman itong si Gaga, ginamit ang pagkakataon at pumayag na magpakasal sa lalaking kailan man hindi siya minahal. Tumatawa siya habang umiiyak. “Mission accomplished, Adira. Napakatanga mo!” Sigaw niya habang nakaharap sa salamin. Huminto siya sa pag-iyak nang bumaba ang paningin niya sa kanyang tiyan. “Hinding-hindi mo makukuha ang anak mo sa akin, Karim. Sinusumpa kong dadaan ka muna sa maraming butas ng karayom bago mangyari ‘yan.”Nakiramdam muna si Karim sa maging reaction ni Adira matapos maglapat ng mga labi nila. Nang makita na nasa mahimbing pa rin ito ng pagtulog muli niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon. Gusto niyang namnamin ang lambot ng labi nito na matagal na niyang pinananabikan.“Hmmmm..” Gumalaw ng bahagya ang labi ni Adira kasabay ng mahinang ungol habang patudyo-tudyong pinapasok ni Karim ang dila sa loob ng labi ng asawa. Mula sa pagpikit, nagmulat ng mga mata si Karim at tinitigan ang asawa habang magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa.Buong akala niya magigising ang asawa at itutulak siya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng maalala ang mga ganitong sandali sa buhay nila noon. Kailangan pa niyang mag-amoy alak at umaktong lasing noon para may mangyari sa kanila ni Adira. Sa ganoong paraan may lakas loob siyang angkinin ito buong magdamag. Nadadaig kasi siya ng pride niya at ayaw niyang aminin n
Pagdating ni Glee sa ospital agad siyang sinalubong ng mga nagbabagang tingin ni Anthony. Pero hindi niya iyon napansin dahil sobrang nag-alala siya sa anak niya.“Saan si Dion?” humihingal niyang tanong habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng silid ngunit nakaharang ang katawan ni Anthony sa labas ng pintuan.SLAP!Isang sampal ang gumising sa diwa ni Glee mula sa mga kamay ni Anthony. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki habang hawak ang kanyang pisngi na namamanhid dulot ng pagkasampal nito.“What are you doing?” Parang iiyak siya sa sakit na nagtanong.“Really? After what you did to our son, you still have the nerve to ask me that?”Nagtatakang tinitigan ni Glee si Anthony. Hindi niya makuha ang gustong iparating nito ngunit naramdaman niyang may kinalaman ito sa ginawa niya sa anak ni Adira na bumalik sa anak niya. Gayunpaman ipinagpatuloy pa rin niya ang pag maang-maangan.Galit niyang sininghalan ang lalaki. “At bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dion? Anak ko s
“Jukno!” “Madam,” tarantang lumapit ang gwardya kay Glee nang marinig ang sigaw nito. Lalo siyang namutla nang makita ang hindi maipinta na mukha ng kanyang babaeng boss habang nakatayo ito sa labas ng pintuan. “Did you receive this box?” nandidiri nitong kinuha ang box at inimwestra sa kanya. Muntik pang ma-out balance ang guwardya nang i*****k sa dibdib niya ang kahon. Nagulat siya nang makita ang laman nito. "M-Madam, I received it—but I didn't know—" “You don't know because you're stupid! Idiot!” Agaw ni Glee sa paliwanag ng guwardiya. "B-But, Madam, I assumed you were expecting this delivery, so I accepted it." “Ahh! Bullshit!” Ayaw pa rin tanggapin ni Glee ang paliwanag ng kanyang tauhan. Dinakdakan pa rin niya ito. Kinamot ng guwardiya ang ulo. Tinitigan niya ang laman ng box. "Madam, I think these are obviously fake.” Tumigil sa kadadakdak si Glee dahil sa narinig. Bumaba rin ang tingin niya sa box na kasalukuyang hawak ng guwardiya. Kinuha naman ng guwardiya ang mga
Hindi pa man lumapat ang labi ni Karim sa labi ng asawa nang agad na siya nitong tinulak.Namumula ang mukha ni Adira habang uniiwas ng tingin kay Karim. Muntik na naman siyang nagpadala sa damdaming matagal na niyang binaon sa limot.Napalunok ng laway si Karim. Bahagya siyang nasaktan sa ginawang pagtulak ni Adira sa kanya. Talaga bang wala na itong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya? “Ahmmm..” Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Hindi niya kailangan magmadali sa pagbawi sa mag-ina niya. Marami pa siyang oras upang gawin iyon. “Let me drive. Dadalhin kita kay Skyler.” maya’y wika niya upang maiba ang usapan.Halata ang tuwa sa mga mata ni Adira dahil sa narinig. Matagal niyang tinitigan si Karim upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.Ilang sandali pa nagdesisyon siyang bumaba sa kotse at hinayaan sa kagustuhang nitong magdrive. Nagpalit sila ng pwesto. Nagsisinungaling man ito at sa hindi, isusugal pa rin niya ang natitirang tiwala
“I will count—” “No need to count!” Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng asawa. Parang siya pa yata ang sinisisi kung bakit ito nahuli. “Karim, I know you're weak in the knees when it comes to your wife. Haha!” “I don’t care for her. All I want is my son!” Napaawang ang labi ng kalaban na may hawak kay Adira nang marinig ang sagot ni Karim. Si Adira naman parang papatay ang mga tingin na hinagis kay Karim. Abah, at gusto siya nitong patayin para masolo nito ang anak niya? Sinabi na nga bang hindi siya nagkamali sa iniisip niya eh. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ‘to. “Oh, you want me to kill her?” Nakangising tanong ng lalaki. “It’s up to you. You can have her!” “Hahahaha! Looks like Mr. Walton doesn’t need his precious gem anymore.” dinilaan nito ang leeg ni Adira dahilan upang magtagis ang mga panga ni KArim. “Take her over my dead body! Pvtangina mo ka!” Bang! Bang! Bang! Galit na binaril ni Karim ng ilang be
“Andrei!?” tawag niya sa anak nang mabuksan na niya ang secret room. Ngunit walang bakas na pumasok dito ang anak niya. Sobra na siyang nag-alala. Hindi man lang nagalaw ang mga gamit sa loob. Ibig sabihin wala talaga rito si Skyler. Naalala niyang kunin ang kanyang SIG SAUER 365 semi automatic pistol na nakatago sa naka lock na built-in cabinet. Regalo lang ito sa kanya ng Kuya niya upang mayroon siyang magagamit na pang self defense. Mukhang ngayon niya ito magagamit.Bang! Bang!“Shit! Andrei!” Puno ng takot at pag-alala na sigaw niya nang makarinig ng magkasunod na putok. Mabilis siyang lumabas sa secret room habang hawak ang baril. Napansin niyang wala nang natirang bisita sa loob ng kanyang bahay. Lumabas na ang mga ito. Hindi niya nagustuhan ang biglang pananahimik ng paligid. Kanina lang nakarinig pa siya ng mga putok ng baril. Ngayon pati armadong mga lalaki na sinasabi nang nakasalabong niya kanina wala rin siyang napansin. Kabisado niya ang loob at labas ng bahay ngunit n