Warning (R18) SPG Novel... Akala ni Ranzzel Layaoen, ang pinakamalaking dagok sa buhay niya ay ang pagkawasak ng kanyang pamilya at puso. Pero mas matindi pa pala ang kapalit—isang kasal na walang pagmamahal sa isang billionaire director doctor kilalang coldhearted at nakatali sa wheelchair, si Vincentius Vaughn. Para lang mailigtas ang negosyo ng pamilya, pumayag siyang maging asawa niya… kapalit ng isang kontrata. Ngunit nang matagpuan niya si Vincentius sa dalampasigan—walang malay, may amnesia, at higit sa lahat… nakakalakad—unti-unting nagbago ang lahat. Sa simpleng buhay na malayo sa lungsod, natuklasan niya ang isang bagong Vincentius—maalaga, mapagmahal, at tila matagal na siyang minahal noon pa man. Pero paano kung bumalik ang kanilang nakaraan? Paano kung ang totoong banta sa kanilang buhay ay hindi pa tapos? At paano kung ang akala niyang panandaliang kasunduan ay isa palang pag-ibig na itinadhana?
View More**Ranzzel's Point of View**
Nakarating ako sa bahay galing sa trabaho at nakita kong kumpleto sila ngayon sa sala. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang half-sister ko na si Michelle at ang kasintahan ko na si Silver na magkatabi sa sofa at kaharap ang mga pamilya namin. Lumakad ako papalapit sa kanila habang may pagtataka pa rin sa mukha ko. "Pa, anong nangyayari dito?" Napatingin si papa sa akin na walang emosyon ang mukha, at ganun na rin ang madrasta ko na ina ni Michelle. Wala na kasi ang ina ko at pumanaw na siya noong pinanganak niya ako. Kaya laking galit ng ama ko sa akin habang lumalaki ako. Masakit sa puso kung bakit ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng ina ko. "Baby," tawag ni Silver sa akin na kinatingin ko agad sa kanya. "Ranzzel, sit down, dahil may i-a-annunsyo ako sa inyo kaya ko kayo pinatawag lahat dito." Dahan-dahan akong umupo sa sofa at lumapit sa akin si Silver kasabay nun ay ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi maiiwasan ang pagkasira ng mood ni Michelle nang makita niya ang paglapit nito sa akin. Anong problema ng babaeng ito? Kung makalapit ang babaeng ito sa boyfriend ko, parang feeling niya siya ang kasintahan nito. "Kaya ko kayo pinatawag dito dahil may sasabihin ako." Nabaling ang atensyon ko kay papa na seryoso pa rin ang mukha. Pinatawag din ba niya si Silver dito dahil kasali ito sa i-a-announce niya ngayon? "Ano yun, dad?" Hindi ko na lang pinansin ang pagiging s****p ng stepsister ko sa gilid. "Babagsak o maba-bankrupt na ang kumpanya natin ngayon dahil nalulugi na tayo sa market at mukhang hindi na natin mababawi ang bagay na iyon." "What?!" gulat na sigaw ng madrasta ko at ng kapatid ko, at ako naman ay napatulala na lang habang nakatingin sa sahig. Ang isang pinaghirapan nila ni mama noon ay mawawala na lang na parang bula. "Dad, no way! Nagpapatawa ka lang, di ba? Hindi pwedeng bumagsak ang negosyo natin. Paano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko?" Napakunot ang noo ko sa pag-arte ni Michelle. Hindi ba siya nag-iisip tungkol sa pamilya namin at ang sarili lang niya ang iniisip? "Honey, may paraan naman para maresolba natin ang problemang ito, 'di ba? Hindi naman pwedeng bigla na lang babagsak ang kumpanya natin, paano na lang ang mga kaibigan ko at ang dignidad ng pamilya natin!" Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Mag-ina nga silang dalawa. Actually, simula pa nang hindi pa dumadating ang bagong asawa ni papa, may negosyo na sila ni mama. Kung makaangkin ang babaeng ito! Lahat na lang kinuha nila sa akin, pati ang pagmamahal sa akin ni papa. "Quiet!" Natahimik naman sila dahil sa sigaw ni papa. "May paraan para mabalik sa dati ang negosyo ng pamilya natin." "Ano iyon?" Napalunok ako at tiningnan niya ako at si Michelle. "Michelle at Ranzzel, pipili ako ng isa sa inyo na makakasal sa isang businessman kapalit ng 10 milyong dolyar. Ang sabi nito, makukuha natin ang perang iyon kapag umabot sa 3 taon ang relasyon ng isa sa inyo bilang mag-asawa. Kilala niyo naman si Mr. Vincentius Vaughn, right?" Nanlalaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ni Dad. "Ano! Yung pinakamayamang businessman na hindi makalakad at palaging nakaupo sa wheelchair? At isa pa, hot-headed at masama ang ugali! Siya ba ang mean mo, honey?" "Yes, he is." Napatakip ng bibig ang madrasta ko at napatingin ako kay Silver. Seryosong ang mukha nito. Ramdam ko ang paghigpit ng paghawak sa kamay ko. "Napagpasyahan ko na si Michelle ang ipapakasal ko sa kanya." Inilapag ni Papa ang marriage contract sa lamesa at nakikita namin na may pirma na ito mula kay Vincentius Vaughn. Kapag pinermahan iyon ni Michelle ay ibig sabihin noon ay mag-asawa na sila. Hindi naman niya magagalaw si Silver dahil mayaman din ito at malaki na rin ang naitulong ni Silver sa pamilya namin noon pa man. "No! Not my daughter!" sigaw agad ng madrasta ko, at agad namang napaiyak si Michelle. Lumapit siya kay papa at lumuhod sa sahig. "Papa, ayokong makasal sa lalaking yun! Baka saktan niya ako! Ayokong makasal sa isang lumpong lalaki!" umiiyak na ani nito. "My decision is final." "Hindi pwede! Dad, may sasabihin ako sa inyo. I'm pregnant!" Nagulantang kami nang sumigaw si Michelle tungkol sa bagay na buntis siya. Napatingin ako sa tiyan niya. "Buntis ka, anak!" Muntik pang mahimatay ang ina niya sa narinig at agad naman siyang tinulungan ng mga katulong. Nagmamadaling kinuha ni Michelle ang bag niya at may kinakalkal doon, na lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin dito. Hanggang sa makita niya ang hinahanap niya at inilagay sa lamesa ang tatlong pregnancy test na nagpalaki ng mga mata namin. Dalawa ang linya nun ibig sabihin ay totoong buntis nga siya! "I'm 2 weeks pregnant, dad, mom." "Who's the father?" walang emosyon na tanong ni papa sa kanya. Dahan-dahan namang napatingin si Michelle kay Silver at parang huminto sandali ang puso ko dahil sa na-realize. "Si Silver ang ama. Babe, may baby na tayo." Gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya at dahan-dahan akong napatingin kay Silver. Gulat na gulat pa rin ang mukha niya. "Anong pinagsasabi mo, Michelle! Paano nangyari yun?" "Buntis ako. May bunga ang ginawa natin nung anniversary ninyo ni Ranzzel nung di ka nakapunta. Tayo ang magkasama noon at sinabi mo nga na nagustuhan mo ang nangyari sa atin. Magiging ama ka na... Hindi ka ba masaya, Babe?" "Baby..." Humarap sa akin si Silver at hindi niya pinansin ang pinagsasabi si Michelle. Tiningnan ko siya nang walang emosyon. "Wag kang maniwala sa kanya-" "Sayo ba ang dinadala niya na nasa loob ng tiyan niya?" seryoso kong saad sa kanya. Damn! Ang sakit! Sa loob ng limang taong magkarelasyon kami, naging maayos ang lahat, at ngayon masisira lang dahil sa isang pagtataksil? "Tell me, Silver. Sayo ba ang dinadala niya ngayon? Sabihin mo!" Napapikit siya, at ako'y sunud-sunod na tumutulo ang luha. "May nangyari sa amin nung anniversary natin pero hindi ko alam kung sa akin ang dinadala niya at isa pa nilasing niya ako, baby." Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Silver, at sunud-sunod pa rin ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Kinuha na nila ang lahat. Pati ang taong akala ko'y aagapay sa akin sa hinaharap ay kinuha din nila. Lahat na lang. "Magpapaliwanag ako.... Baby." "Wala nang ibang ipapaliwanag dahil nagawa niyo na ang bagay na iyon." Nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Baby, please give me another chance." Nakatingin ako sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. "We're done, Silver." ******** LMCD22Ranzzel's Point of View*"Tinakot mo ba sila?" tanong ko sa kanya. Inosente naman siyang napatingin sa akin na parang walang ginawang kasalanan ngayon."Wala akong ginagawa, wife."Nakikita ko siya ngayon na parang tuta na kawawa. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Ibang iba talaga siya sa nakikita ko nung nasa mansion pa ako.Napabuntong hininga ako at napatingin ako sa mga pagkain namin.At lumamon na naman ako ng fried rice at nanlalaki naman ang mga mata ko dahil ang sarap ng pagkain na gawa niya!"Hubby? Kailan ka pa natutong magluto?"Napatingin naman siya sa akin at parang nagulat din siya at napatingin sa mga pagkaing nasa lamesa.Bumalik na ba ang memories niya? Bigla akong kinabahan dahil sa bagay na 'yun."Bumalik na ba ang memories mo..." mahinang ani ko sa kanya.Napatingin naman siya sa akin na parang malalim din ang iniisip.Baka pagbalik sa memories niya ay baka magugulat na lang ako na hindi na niya ako pinansin.Napahawak ako sa puso ko dahil bigla 'yung kumirot. Nasa
Ranzzel's Point of View* "Yes, ganun na nga. Pero naintindihan ko na kung bakit ganun ang nangyayari." Tumango-tango naman ang iba dahil sa sinabi ko. "Yes, we also understand that. Sikat ka, mayaman, matalino---" "At marami kang kalaban na gustong pumatay sayo," pinutol ni Steven ang sinabi ni Briannah. Agree din naman ako sa bagay na 'yun. Nakikita ko na palagi siyang alerto hindi lang sa mga hindi niya kilala at pati na rin sa loob ng bahay nila. May mga ahas na handa siyang kagatin patalikod lalo na 'yung tita niya. Hindi ko kailanman makakalimutan ang babaeng 'yun sa totoo lang. Bakit naman niya gagawin ang bagay na 'yun kung alam niya na magagalit sa kanya ang pamangkin niya kung gagawin niya ang bagay na 'yun. Mukhang tungkol sa yaman ang bagay na 'yun kung bakit ganun ang nangyayari. Ayaw nilang magkaroon ng isa pang heir. Napakamao ako dahil sa naisip na mangyayari. Kung ganun ay magiging delikado ang hinaharap ko kung hahayaan naming mangyari 'yun. Lalo na ang mga
Ranzzel's Point of View* Dahilan... "Wife, tell me, bakit mo gagawin ang bagay na 'yun? Hmm? Tell me. Dahil sa akin, right?" Tiningnan ko siya at dahan-dahan na umiling. "It's not your fault. Kasalanan ko lahat kung bakit ganun ang nangyayari." Tumingin ako sa kanya. "Hindi na natin kailangan balikan ang bagay na 'yun." Misunderstanding lang naman ang nangyari nun. Ayokong iwan niya ako dahil sa bagay na 'yun na akala niya na sinadya ko 'yun at ayokong magkakaanak sa kanya. Gusto kong magkapamilya sa kanya kaya di ko yun kailanman gagawin. Gusto ko ng pamilyang bubuo sa akin. Biglang napaiyak ako bigla na kinagulat nila. "Okay, okay, hindi na namin itatanong ang bagay na 'yun. Sorry na beshy." Umiling-iling ako. Hindi niya kailangan mag-sorry dahil kasalanan ko naman lahat. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Pinabayaan ko ang sarili ko na mapahamak at muntik nang mamatay sa kamay ng babaeng 'yun. Naramdaman ko na pinasandal ni Vince ang ulo ko sa balikat niya. "Kun
Ranzzel's Point of View* Napatingin ako kay Vince ngayon na busy pa rin sa pagluluto ng almusal namin. Natahimik ako sandali dahil nagdadalawang isip akong sabihin sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. "Sis, you can tell us. Makakapagkakatiwalaan din itong si Doc Steven, hindi mo ba alam na ang dad at brother niya ay puro mga detectives?" Nanlalaki ang mga mata ko dahil naalala ko noon na nakita ko na ang dad at brother niya noon. "Ah oo, naalala ko nga. Bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na 'yun?" "Ranz, if you need our help, you can tell us. Kilala ka na ng dad at kapatid ko kaya sure akong matutulungan ka nila." Nanlambot naman ang puso ko dahil sa sinabi ni Steven at hinawakan niya ang kamay ko para mapapanatag ako na makakapagkakatiwalaan ko siya. "Thank you, Steven." "Ehem." Biglang inilagay ni Vince ang plano sa may kamay ni Steven na plato na may pagkain. At sabay naman kaming napatingin kay Vincentius. "Vince, anong ginagawa mo?" "What? Just put the
Ranzzel's Point of View* Paano nangyari ito na nasa bahay kami ngayon at nandidito sila Briannah, Zia, Kevin, Charmine at Steven. Habang si Vince naman ay nagluluto ngayon ng breakfast namin. "Hubby, are you sure na di mo na kailangan ng tulong? Hindi ka pa ba inaantok?" mahinang wika ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. "Nah, don't worry about me. Kaibigan mo sila at mukhang malapit sila sa'yo kaya paglulutuan ko na rin sila. Go, entertain them mukhang matagal na kayong hindi nag-uusap." "You sure?" Napatingin siya saglit kay Steven at napatingin balik sa akin. "I trust you." Ayan na naman yang pagseselos niya eh! Lumapit ako sa kanya at isinandal ko ang ulo ko sa braso niya. "Hubby, wag ka ng magselos. Kaibigan ko lang siya talaga at isa pa ikaw ang Asawa ko kaya wag ka ng magselos, okay?" Ngumiti naman siya at dahan-dahan na tumango. "Okay, okay. Maupo ka na roon." Dahan-dahan na lang akong tumango at lumakad na papunta sa lamesa kung nasaan sila na kakai
Ranzzel's Point of View* "H-Hubby..." Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya ngayon. Ang aga naman niyang magising! Akala ko mga 8am pa siya gigising! Muntik ko ng makalimutan na sanay na pala ang mga katulad niyang doctor sa mga ganung shift na minsan di na natutulog. "Ang aga mo namang nagising." Hinaplos niya ang pisngi ko at naka-magnet lang ang mga mata niya sa akin na kinalunok ko na nagsasabi na akin ka lang. Syet! "Hub---" Biglang nagtama ang labi namin na kinalaki ng mga mata ko at makalipas ang sampung segundo ay binitawan na niya ang labi ko at ngumiti ng matamis. "B-Bakit mo ko hinalikan?" Napakunot ang noo niya. "I think you already forget. A good morning kiss, wife." Eh! Ah oo nga pala! "B-Beshy..." rinig kong ani ni Zia sa likod. Napapikit ako nang maalala ko na nandidito pa pala sila at dahan-dahan akong napatingin sa kanila pero ramdam ko ang pag-protekta ng kamay ni Vince sa bewang ko na parang sinasabi nga niya na 'She's mine!'. Ang possessiv
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments