Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
View More“Hindi ka pa rin ba aamin na kasalanan mo ang mga nangyari doon kanina, Everly?!”
Parang kulog na umalingawngaw ang sigaw ni Roscoe na kulang na lang ay mapatiran ng mga ugat sa kanyang leeg dala ng matindi niyang galit sa bawat sulok ng sala ng kanilang villa.
“Huling-huli ka na. Itatanggi mo pa rin?“ kulang ang salitang dismayado para ilarawan ang galit ng lalaki sa kanyang asawa na may kasama ng pagkapahiya, “Marami ang nakakita sa’yo na halos lahat ng bisita. Hindi lang iisang tao! Kaya hindi kita magawang mahalin eh! Lalo pa ngayon, huwag kang umasa na makukuha mo pa ang atensyon at pagmamahal ko na inaasam mo nang dahil dito!”
Napuno pa ng pagkadismaya ang mga mata ni Roscoe nang idugtong iyon. Parang nais na manakit nito ngunit hindi niya lang kaya na pagbuhatan ng kamay ang asawang si Everly.
“Ubos na ubos na ang pasensya ko sa’yo. Magpakatotoo ka. Aminin mo ang kasalanan mo, at baka sakali pang magbago ang isip ko. Kung hindi mo gagawin iyon, mabuti pang mag-divorce na lang tayo. Narinig mo, Everly?!” walang filter na hamon nito sa asawang matamang nakatingin na sa mukha niya.
Nangatal na ang labi ni Everly. Ilang segundong napatulala. Bakas sa kanyang mga mata ang takot. Idagdag pa doon na ilang beses napamura si Roscoe na tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Iba ang galit nito ngayon kumpara sa nakaraan nilang mga pagtatalo at bangayan.
“H-Hindi ko nga siya itinulak. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Siya ang kusang tumalon sa pool at hinila niya ako. Bakit ang hirap ‘yung paniwalaan? Dahil ba mas mahalaga siya kumpara sa akin?” mahinang sagot ni Everly na hindi mababakas ang panghahapdi ng sulok ng mga mata kahit na iyak na iyak na siya.
Nanginginig ang kanyang buong katawan. Nahulog din siya sa pool at ang lamig na dulot noon ay patuloy na nanunuot sa basa niyang suot na saplot. Hindi pa rin nawawala ang takot ng pagkahulog niya sa pool.
“Tigilan mo nga ako niyang kaartehan mo! May pangangatal ka pang nalalaman? Hindi uubra sa akin iyan. Matagal mo ng kaibigan si Lizzy at alam mo noon pa na takot siya sa tubig. Tapos sasabihin mong tumalon? Bakit niya gagawin iyon sa harap ng maraming tao? Ang sabihin mo ay itinulak mo siya!”
Napuno pa ng pagbabanta ang mga mata ni Roscoe na basang-basa na ni Everly kapag hindi siya tumigil kakatanggi. Tila ba sinasabi ng bawat pilantik ng mga mata nito na oras na may nangyaring masama kay Lizzy ay mananagot siya at siya ang may kasalanan. Hindi lang iyon, sobrang sarado na ang isipan ng lalaki.
Nabasag ang puso ni Everly sa mga bintang na iyon ng asawa. Naramdaman na niya ang pagbaba ng mainit na mga luha ngunit agad niyang pinalis gamit ang nanginginig at malamig na palad. Dinig na dinig niya ang muli pang pagkabasag ng kanyang puso na maaaring invisible sa mata ni Roscoe. Ngunit kakaiba ang sandaling iyon. Durog na durog siya at batid niyang may kailangan siyang gawin para matapos na ito. Hindi niya lubos maisip na ang lalaking inaatake siya ngayon dahil sa isang sinungaling na babae ay asawa niya. Asawa na minahal niya nang buo sa loob ng maraming taon. Bagay na naging bulag siya dahil pagkaraan ng isang taon ng kanilang relasyon ay pinakasalan niya dahil nga mahal niya. Masalimuot ang naging pagsasama nila ng tatlong taon. Kabaligtaran iyon sa araw na malaman niyang magpapakasal sila.
Panandalian lang din ang naging saya ni Everly, nalaman niya kasi na mariin ang pagtutol ng ina ni Roscoe sa relasyon nila noon ni Lizzy. Napasubo lang pala siya, hindi na magawang mapaatras pa ni Everly kahit na alam niya sa kanyang sarili na ginagamit lang siya ni Roscoe. Ang totoo ay may relasyon pa rin pala sila ni Lizzy, nagtatago lang ito sa likod niya bilang asawa. At dahil martir siya, hinayaan niya na lang na mangyari.
“Roscoe…” may pakiusap ang tinig ni Everly na halos hindi lumabas sa nanunuyo niyang lalamunan.
Patunay ang event na iyon na mas lamang pa rin ang pagmamahal nito kay Lizzy kumpara sa kanya. O tamang tanungin niya na mahal nga ba siya o minahal nga ba siya ng lalaki kahit na karampot? Nahulog ang babae sa pool na hindi niya alam kung bakit, pero nangyari iyon nang malapit siya kaya siya nito nahila. Halos ang lahat ng naroon ay concern sa kanya upang matulungan siyang makaahon, samantalang siya na nahulog din naman ay walang sinuman ang may pakialam. Iisang tao lang. Muntik na rin siyang mamatay, mabuti at nakakapit siya sa may hagdang bakal ng pool, kung saan siya bumagsak saka pa siya natulungan nang hindi napapansin ng lahat. Pinanlisikan lang siya ng mga mata ni Roscoe nang lingunin, ni katiting na pakialam ay wala sa mukhang mababasa. Balot pa rin ng poot ang pares ng mga mata nito.
‘Naalala niya na takot sa tubig si Lizzy, pero akong asawa niya hindi niya naisip na takot din naman ako.’
Ang pangyayaring iyon ang naging wake up call kay Everly. Napahilamos siya ng mukha upang tanggalin ang ilang butil pa ng tubig at upang mahimasmasan na rin sa kahibangan niya. Bakit ba siya nagtiya-tiyaga kung pwede naman niyang tapusin ang lahat ng paghihirap niya kahit na mahirap iyon sa umpisa?
Galing sila ng banquet party kung saan ay kapwa na invited at dahil sa insidente kinailangan na nilang maagang umuwi. Hindi na rin naman nakaka-enjoy iyon na mukhang nasira pa ng dahil sa nangyari. May towel na rin na nakabalot sa kaniyang katawan na bigay ng staff ng pinangyarihan. Sa tapat ng sofa na inuupuan ay naroon ang hindi maipinta pa rin ang mukhang si Roscoe. Masama pa rin ang tingin sa kanya na animo ay papatay ito. Hindi mapigilan ni Everly na tahimik na mapapalatak nang maisip ang tungkol sa kasal nila. Kasal na pinangarap niya pero pinapasakitan naman siya. Kasal na kapalit ng desisyon niya.
Tama ang Daddy niya, isang kabaliwan iyong ginawa niya at sinisingil na siya ngayon!
Nagawa niya pang suwayin ang mga magulang para lang magpakasal kay Roscoe. Tinalikuran niya ang sariling angkan para lang sa isang lalaking wala naman palang kwenta. Hindi lang iyon, nagkasakit pa ang Daddy niya at na-hospital dahil sa pagpupumilit niya ng gusto niya at hindi man lang siya nakaramdam ng katiting na konsensya dahil ipinilit pa rin niya ang gusto niya. Ngayon, masasabi niyang tama ang ama; ang pamilya niya na palaging nasa huli ang pagsisisi at sinasampal na siya ngayon ng pagsisisi niyang iyon.
“Hindi ka niya mahal. Bakit ipagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya? Masasaktan ka lang, Everly. Maniwala ka sa Daddy. Hindi ka niya magagawang mahalin, kailanman hangga't may ibang babaeng laman ang puso niya. Bakit hindi ka na lang pumili ng ibang lalaki? Ang dami naman diyan. Mas maganda kung mahal ka niya, hindi iyong ikaw lang ang nagmamahal sa kanya. Masasaktan ka lang, hindi ka magiging maligaya.”
Walang muwang na naisip ni Everly na ang pagpayag ni Roscoe na pakasalan siya ay ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya buong buhay niya. Umasa kasi siya na kanyang pagmamahal dito, kalaunan ay ang siyang tutunaw sa yelong nakabalot sa puso ng natitipuhang lalaki. Nanumpa siya sa kanyang ama na sigurado siya sa kasal na ito at hindi siya masasaktan at matatalo. Siya ang magwawagi sa bandang huli.
Kaya lang, mali nga siya…at tama ang kanyang ama. Sa pagkakataong ito aay alam niyang natalo siya.
HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m
GALAITING SINIPA ni Everly ang lalaki sa mukha nang walang anumang salita. She hooked the man’s neck, clamped it hard and forced him back to the pillar on the side. Everly raised his knee fiercely and slammed it directly into the man’s face. Paulit-ulit niya iyong ginawa. Gulantang na pinanood lang siya ni Roscoe na sunod-sunod ng napalunok ng sariling laway na para bang nanonood siya ng action movie ng live. Hindi makapaniwala na marunong itong makipaglaban? Itinapon ni Everly ang lalaki sa sahig with a fierce back throw. Bingi na siya sa sigawan ng mga taong pilit na siyang inaawat at natatakot na baka mapatay niya ang lalaking kanyang kalaban.“Hindi ba babae ang ina mo at ganyan ka trumato ng mga babae ha?!” Duguan na ang gilid ng labi ng lalaki na pumutok. Tulalang napatitig na ito sa kisame. Malamig ang tinging ipinukol sa kanya ni Everly. She lightly rubbed the corner of her mouth with her fingertips. Dinuro niya ang nakahiga pa ‘ring lalaki na iniinda ang sakit ng likod. Di m
PUNO NG KUMPIYANSANG sinalubong ni Everly ang matalim na mga tingin ng lalaki sa kanya. There were things she had never understood before, but now she understood them all after being hurt all over by Roscoe. Katangahan lang kung pipiliin niyang magpa-under sa isang lalaki lalo na kung nakikita naman niyang hindi rin naman siya nito pinapahalagahan. “Stop meddling in other people’s business here!” marahas na sigaw ng lalaki kay Everly kung saan ay nanlilisik ang kanyang mga matang nakaburo sa mukha ng babae, “Pwede ba ha?!”“Hindi naman ako nakikialam sa kung anong problema niyong mag-asawa. Sobrang nakakatamad kaya. Sumingit lang ako at nagsalita dahil masyado mong minamaliit ang mga babae.” kalmado ang boses na sagot ni Everly na humakbang papalapit sa lugmok na lalaki. “Hindi mo ba alam na sa panahon ngayon pantay na ang karapatan ng mga babae at lalaki? Huwag kang mangdikta sa kung ano ang gustong gawin ng asawa mo sa buhay niya. Karapatan niyang mamili kung susuko na siya o lalab
NANLAMIG NA ANG katawan ni Everly nang marinig niya ang malakas ng boses ni Dorothy. Paniguradong nakita nitong kausap niya ang pasyente nila kanina. Nang lingunin niya ay tama nga ang hinala niya. Nakita siya nito dahil sa seryoso na nitong mga mata. Muli ni Everly ang kausap niyang pasyente, ngunit likod na lang naabutan niya dahil umalis na ito. “Hindi tayo pwedeng magkaroon ng private contact sa mga pasyente!” may diin pa rin nitong sambit na nanunuot sa pandinig ni Everly, “Bakit ang tigas ng ulo mo? Ayaw mong makinig?”Napayuko na si Everly. Sanay naman siya ang masigawan ngunit, ang mas nagpalungkot pa sa kanya ay nang maalala niya ang hitsura at suliranin ng babae. Wala itong kalayaang gawin.“Pumunta ka sa unang palapag at kunin mo ang lahat ng mga kailangan ko. Bumalik ka rin agad.” paalala ni Dorothy na ini-abot ang listahan ng mga pinapakuha nito sa nurse station.Habang pababa sa unang palapag ay binalikan ni Everly sa kanyang isipan ang mga pasyente na dumaan sa kamay
WALA NA SIYANG inaksayang pagkakataon at sinundan na ang mag-asawa na kulang na lang ay madapa ang babae sa ginagawang marahas na pagkaladkad sa kanya papalabas ng asawang lalaki. Uminit pa ang ulo doon ni Everly na hindi na natutuwa sa kanyang mga nakikita. Kailangang bigyan ng leksyon ang lalaking iyon nang sa ganun ay magtanda rin ito.“Doctor Golloso, saan ka pupunta?” tawag sa kanya ni Dorothy na may mariing mga titig, puno ng pagbabanta ang mga tinging ipinupukol sa kanya. Alam na ni Everly ang ibig sabihin doon ng kasama niya. “Hindi pa tayo tapos dito!” Nilingon na niya ang head nila at nakita niya ang pagiging seryoso ng mukha nito. Iyong tipong kapag hindi niya sinunod ay pihadong malilintikan siya dahil bibigyan din siya nito ng matinding parusa. Huminga siya nang malalim upang kalamayin ang sarili. Kailangan niyang kumalma. Hindi rin siya dapat nagpapadala sa bugso ng kanyang damdamin doon.“Isa kang doctor na makakatulong upang mapagaling ang mga may sakit, huwag mo sana
HUMIHIKAB NA SINUOT ni Everly ang kanyang tsinelas na pangbahay at nagtungo sa banyo. Ilang beses pa siyang nag-inat nang maramdaman ang pananakit ng buo niyang katawan. Napahawak na siya sa kanyang dibdib ang babae at bahagyang napaatras sa may pintuan ng banyo nang makita ang kanyang mukha sa salamin. Kalat ang make up at ang eyeliner niya.“Langya! Anong nangyari sa aking mukha?!” bulalas niyang nandidilat na ang mga mata.Malakas na siyang natawa nang mapagmasdan pa ang kanyang mukha. Naghilamos na siya. Habang tinutuyo ang mukha ng maliit na towel ay pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi. Wala na naman siyang maalala. Paniguradong blackout siya. Matapos na ayusin ang kanyang sarili ay nagmamadali na siyang bumaba dahil sa gutom.“Ano na namang nangyari sa anak mo? Naglasing na naman?!” narinig niya ang boses ng ama, paniguradong siya na naman ang tinutukoy, “Hindi marunong magtira ng pang-uwi!”Natigilan siya sa pagbaba niya ng hagdan. Pinakinggan pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments