GRAY'S POV:Nakatuon ang atensyon niya sa kapatid na si Lilly habang nakikipagkwentuhan ito sa anak ni General Fajardo. Alam na niya ang galaw ng lalaking iyon dahil gano’n na gano’n siya noon. Pero bakit pinayagan ng daddy niya na makipagkaibigan si Lilly sa lalaki?Hirap na hirap na nga siyang bantayan ang kapatid dahil nahahalata niyang nagpapacute ito sa kaibigan niyang si Peter. Masyado pang bata si Lilly para magka-nobyo. 3rd year pa lang ito sa college at hindi pa dapat magka-nobyo. Kakausapin niya ito mamaya at babalaan. Nagiging matigas na ang ulo ni Lilly."Huy, anong tinitingnan mo diyan?" natatawang sabi ni Rosabel habang nakaupo sila sa table kung saan ang kanilang mga abuelo at magulang. Tapos na ang program ng kanilang kasal at nagkakasiyahan na lang sila."Naiinis lang ako kay Lilly, babe... nagiging pasaway na.""Huh? Bakit naman?""Nagiging malapit na sa mga lalaki. Look at her, mukhang close na agad sila ni Finn samantalang kakakilala pa lang nila." sabi nya habang
"Don't act as if you're being friendly, Finn. I know you, lahat ng mga estudyante sa school ay kilala ka at alam ang ugali mo!" singhal niya nang harapin ito."Hahaha... Bakit, ano nga ba ugali ko?" natatawang sabi ni Finn."That you're a player kaya wag ka nang mag-abala makipagkaibigan sa akin. Buti nga di ko sinabi kay Dad kung ano nang reputation mo. Kapag nalaman niya, baka hindi siya papayag na maging kaibigan kita.""Hahaha... Ang sakit naman ng description mo sa akin! Pero kidding aside... hindi ko alam na anak ka pala ni Tito Ken Enriquez. Ikaw ha... hindi mo sinasabi na super rich ka pala. Ang simple mo lang kasi sa school.""Wala ka na doon! Nasa school ako para mag-aral, hindi magpasikat tulad mo.""Woah! That hurts..." sabi nito habang sumusunod sa kanya sa buffet table. "Hindi ko naman hiniling na maging sikat at kilala ako sa school.""Of course ginusto mo! Para makuha mo ang lahat ng mga babaeng gusto mo.""Hahaha... Ang sama talaga ng tingin mo sa akin!"Nagbabangayan
LILLY ROSE MILLER ENRIQUEZ' POV:Kanina pa siya kinikilig. Kasal ng kuya Gray at ate Rosabel niya, at isa si Peter sa mga bisita. Crush niya si Peter noon pa. Napakagwapo talaga nito at matured na. Barkada ito ng kuya Gray niya, at gusto niya yung mas matanda sa kanya. Pakiramdam niya ay gagawin siyang baby kapag older guys ang nobyo niya."Ateee..." impit ang boses na lumapit siya kay ate Rosabel. Tinaon niyang wala si kuya Gray para makausap niya ito."What?" nagtatakang sabi nito."Eeeiiih... andito si Peter!" pigil na kilig niyang sabi."So what? Siyempre bisita siya.""Hihihihi... alam mo namang crush ko siya, 'di ba? Samahan mo naman ako sa kanya ate. Para kunyari mag-uusap kayo tapos kasama mo ako. Hihihi.""Ikaw, kapag nalaman 'yan ng kuya at daddy mo, lagot ka. Nag-aaral ka pa nga!""Crush lang naman. 'Di ko naman sinasabi na magbo-boyfriend na ako.""Sige na nga, tara na!"Napangiti cya, napaka supportive talaga ni Ate Rosabel sa kanya. Kaya nga Love na love nya ang bagong n
"Ano ang findings, Doc? Bakit biglang nahimatay ang asawa ko?" tanong ni Gray. Lihim siyang kinilig nang marinig ang salitang asawa. Napakasarap pakinggan sa kanyang tenga."Hindi ko pa po masasabi, Mr. Enriquez. Kailangan ko pa ng further tests. Pero may hinala ako... buntis si Mrs. Enriquez."Sandaling tumahimik ang paligid. Walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla sa sinabi ng doctor."A-ano po, Doc? Buntis po ang asawa ko?""Yes po, Mr. Enriquez. Pero kailangan ko pa ng further test para makasigurado," ulit ng doctor. "Pwede bang lumabas muna kayo para ma-check ko si Mrs. Enriquez?""Babe, sa labas lang ako ha… hindi ako aalis," sabi ni Gray. Hinalikan pa siya nito sa noo bago lumabas.Sila na lang ng doctor ang naiwan. Binigyan siya nito ng pregnancy test saka siya pumasok sa CR.Habang naghihintay sa resulta ng pregnancy test, nananalangin siyang maging positive ang resulta. Pero kabado din siya...Paano kung buntis nga ako? Marunong na ba akong maging ina? Kaya ko ba? tano
Nanlambot siya nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niyang nagpunas ng luha si Gray... awtomatiko din siyang naiyak, ramdam nila ang sobrang saya sa mga oras na ‘yun na parang ano mang oras ay sasabog na ang kanyang dibdib sa galak.Nang mag-uumpisa na ay humawak siya sa braso ng kanyang nanay habang papalapit sa altar kung saan naghihintay si Gray, kasama ang mga magulang nitong sina Daddy Ken at Mommy Jonie.Habang naglalakad at papalapit sa kanyang mapapangasawa, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi ito kaba... kundi excitement. Dito na magsisimula ang forever nila ni Gray.Pagdating sa harapan, marahang iniabot ng nanay niya ang kamay niya kay Gray."Alagaan mo ang anak ko, Gray.""Pangako po, Nanay Cynthia," sagot ni Gray habang mahigpit na hinahawakan ang kamay niya. Kinindatan siya nito na parang binatilyo. Naalala niya noong mga college pa sila na ‘yun lagi ang ginagawa ni Gray sa kanya. Siya naman na marupok ay agad na kin
ROSABEL'S POV:THE WEDDING DAY!Mula sa loob ng kanyang kwarto, nanginginig ang mga kamay niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Tapos na siyang ayusan at mag-isa na lang siya doon. Suot niya ang puting gown na tila nilikha para lang sa kanya ng isa sa pinakamagaling na designer sa bansa. Hapit ito sa kanyang katawan, binibigyang-diin ang bawat kurbada ng kaniyang baywang at balikat. Sa bawat hakbang niya, sumasabay ang mahabang laylayan na may burdang pearls and crystal, kumikislap sa ilalim ng ilaw na tila mga bituin sa gabi. Hindi maikakaila na siya ang sentro ng mga tingin sa araw niyang iyon.Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa kanyang pinto at nagbukas iyon."Ate... ang ganda mo!" tili agad ni Lilly nang makita siya.Napangiti siya. "Thanks, Lilly." Si Lilly ang kanyang Maid of Honor. "Andoon na ang mga bisita at si Kuya Gray, ikaw na lang ang hinihintay."Hindi agad siya sumagot. Sa halip, pinikit niya ang mga mata at pilit pinakalma ang tibok ng kanyang puso n