“Sa…airport,” mabagal, halos pabulong na sabi ni Anna, pero nagdiwang ang puso ko.
Umalis nga siya, pero may paraan pa—may pag-asa pa na maayos kami. Ngumiti ako.
“Pero, dok, nagpahatid lang siya, hindi niya sinabi kung saan siya pupunta…”
Hinawakan ko ang kamay niya, parang hindi narinig ang sinabi niya. “I-book mo ako, Anna… kahit anong flight… basta papuntang Canada. Ngayon na.”
Tumango-tango na lang si Anna.
“And buy me a new phone…” utos ko pa, at dali-dali na akong umuwi.
Nilampasan ko ang aming mga kapit-bahay na nakiusyuso pa rin sa amin. Maging ang mga pulis na kararating lang ay hindi ko na pinansin. Ang guard na lang ang kumausap sa kanila.
“Tulungan mo akong mag-impake…” Agad-agad kong sabi kay Lolita pagpasok ko. Nagtataka siya, pero hindi na nagtanong.
Ilang gamit lang ang dinala ko–mga mahalaga lang. Inipit ko sa gitna ng pasaporte ang marriage certificate namin. Sakaling itanggi niya ako, may hawak akong katibayan na asawa niya ako.
Sinundo ako ni Anna, bandang al