Share

Kabanata 90

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 22:19:00

Buong-buo ang determinasyon kong bumalik agad sa Pilipinas, pero mismong katawan ko ang tumutol. Bigla na lang akong bumigay.

Sumakit ang ulo ko, parang biglang naubos ang hangin sa baga ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Nanlalambot ang tuhod. Nahihilo, hindi na halos ako makatayo, pero pinilit ko.

Kaya lang, hindi pumayag si Mama na umalis ako. Kahit anong pagmamakaawa ko, hindi pa rin siya pumayag. Paano raw kung himatayin ako sa byahe? Paano kung lalong lumala ang sakit ko?

Ayaw ko man sanang tumigil, pero napilitan ako.

Isang linggo akong nagpahinga. Pinilit kumain kahit wala akong gana. Pinilit matulog kahit walang kapayapaan ang utak ko. Pinilit kong magpalakas at si Reynan ang naging inspirasyon ko.

Pakiramdam ko parang isang taon ko nang hindi nakikita si Reynan. Sabik na akong makita, mayakap, at mahalikan siya. Miss ko na ang mga lambing niya, ang kapilyohan, at kalibugan niya.

At ngayon nga… narito na ako sa airport. Kalalapag ko lang mula Canada. Hindi pa man ako nakakakuha
sweetjelly

Salamat sa pagbabasa, happy akong mabasa ang mga komento niyo...Salamat din pala sa mga gems at sa mga nag-purchase ng coin mabasa lang ito...

| 9
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
thank you sa update Ms A...sa wakas nakarating Karin Cherry...hmm malapit na ito mag end kaya sna tlga maganda Yung Ending haha bigla KC nag iba at nag extend SI good novel eh..go na mag usap kayo..maganda din sna Ms A kung buntis na SI cherry haha
goodnovel comment avatar
Babylyn Del Rosario
sa wakas Nakita narin n cherry c reynan,
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 90

    Buong-buo ang determinasyon kong bumalik agad sa Pilipinas, pero mismong katawan ko ang tumutol. Bigla na lang akong bumigay.Sumakit ang ulo ko, parang biglang naubos ang hangin sa baga ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Nanlalambot ang tuhod. Nahihilo, hindi na halos ako makatayo, pero pinilit ko. Kaya lang, hindi pumayag si Mama na umalis ako. Kahit anong pagmamakaawa ko, hindi pa rin siya pumayag. Paano raw kung himatayin ako sa byahe? Paano kung lalong lumala ang sakit ko?Ayaw ko man sanang tumigil, pero napilitan ako.Isang linggo akong nagpahinga. Pinilit kumain kahit wala akong gana. Pinilit matulog kahit walang kapayapaan ang utak ko. Pinilit kong magpalakas at si Reynan ang naging inspirasyon ko. Pakiramdam ko parang isang taon ko nang hindi nakikita si Reynan. Sabik na akong makita, mayakap, at mahalikan siya. Miss ko na ang mga lambing niya, ang kapilyohan, at kalibugan niya.At ngayon nga… narito na ako sa airport. Kalalapag ko lang mula Canada. Hindi pa man ako nakakakuha

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 89

    “Sa…airport,” mabagal, halos pabulong na sabi ni Anna, pero nagdiwang ang puso ko. Umalis nga siya, pero may paraan pa—may pag-asa pa na maayos kami. Ngumiti ako. “Pero, dok, nagpahatid lang siya, hindi niya sinabi kung saan siya pupunta…”Hinawakan ko ang kamay niya, parang hindi narinig ang sinabi niya. “I-book mo ako, Anna… kahit anong flight… basta papuntang Canada. Ngayon na.”Tumango-tango na lang si Anna. “And buy me a new phone…” utos ko pa, at dali-dali na akong umuwi. Nilampasan ko ang aming mga kapit-bahay na nakiusyuso pa rin sa amin. Maging ang mga pulis na kararating lang ay hindi ko na pinansin. Ang guard na lang ang kumausap sa kanila.“Tulungan mo akong mag-impake…” Agad-agad kong sabi kay Lolita pagpasok ko. Nagtataka siya, pero hindi na nagtanong. Ilang gamit lang ang dinala ko–mga mahalaga lang. Inipit ko sa gitna ng pasaporte ang marriage certificate namin. Sakaling itanggi niya ako, may hawak akong katibayan na asawa niya ako.Sinundo ako ni Anna, bandang al

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 88

    Excited akong lumingon. Ngumiti sa pag-aakalang si Reynan ang humawak sa akin, pero hindi... “George…” Nanlaki ang mga mata kong buong lakas siyang itinulak. Pinagpag ko ang damit ko. Pinahid ang mga brasong dumikit sa balat niya na parang diring-diri. “Anong karapatan mong hawakan ako?!” Mabilis kong pinalipad ang kamay ko sa mukha niya. Tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal, pero hindi man lang siya natinag. Bagkus, bumalik ang tingin niya sa akin. Maitim ang mga matang para bang gustong sumabog sa galit, pero pinili ang magpigil. Kumuyom ang mga kamao ko. “Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko kanina? Hindi pa ba sapat ang sakit na pinaramdam mo sa akin, at malakas pa rin ang loob mong magpakita sa akin?” Hindi pa sapat ang isang sampal. Sinugod ko pa siya. “Cherry…hindi nga ako susuko…mahal kita!” “Tama na, George! Tama ang panggugulo sa buhay ko!” Inundayan ko siya ng sunod-sunod na hampas sa dibdib, sa braso, kahit saang parte na maabot ng kamay ko. “Sinira mo na ako

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 87

    Nanginginig pa rin ang katawan ko pagdating ko sa bahay. Hindi dahil sa takot, kung hindi dahil galit ako. Galit ako sa paulit-ulit na panggugulo sa akin ni George. “Lolita!” sigaw ko, pagbukas ko ng gate. Agad namang lumabas si Lolita. Nagtatakang sinalubong ako. “Doktora…ano po ‘yon? Anong nangyari? Okay lang po ba kayo?” tanong niya. May pagtataka sa mukha. “Pakibayaran ang taxi…” Tinuro ko ang taxi na nakaparada sa labas. Pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Dire-diretso akong pumasok at pumunta sa study. Walang ibang laman ang utak ko ngayon kundi ang makausap si Reynan. Masabi ko sa kanya lahat ng nangyari kanina. Pagpasok ko ng study. Agad kong inangat ang telephone. Mabilis na pinindot ang numero ni Reynan. Kaya lang naka-ilang ring na, hindi pa rin siya sumasagot. “Please, sagutin mo, Reynan…” bulong ko. Palakad-lakad ako habang paulit-ulit na dina-dial ang numero niya. Pero hindi pa rin siya sumasagot. Pabagsak akong umupo. Inilapit sa aki

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 86

    CHERRY “Dra. Cherry, mag-lu-lunch na wala pa si Leo,” sabi ni Gelene. Bitbit niya ang lunch box niya. Napatingin ako sa wall clock. Ako man ay nagtataka rin. Dapat kanina pa ay hinatid na niya ang lunch ko. Pero wala. “Hihintayin mo ba, o sasama ka na lang sa akin sa canteen?” Tumayo ako. “Tatawagan ko muna…baka may nangyari do’n…” Tumango-tango si Gelene. Sabay kaming lumabas ng clinic. Siya pupunta sa canteen, at ako ay pupunta sa labas. Baka nasa kotse lang si Leo. Habang naglalakad ay tinawagan ko siya. Pero hindi siya sumasagot. Dismaya akong napabuga ng hangin nang marating ko ang parking area. Wala kasi si Leo. Wala rin ang kotse. Kumabog ang puso ko. Ngayon lang nangyari na umalis siya na hindi nagpapaalam. Muli akong tumingin sa cell phone. Tatawagan ko si Reynan. Baka may inutos siya kay Leo. “Cherry!” Napaigtad ako. Nabitiwan ang cell phone nang marinig ang boses na ‘yon. Si George. Dahan-dahan akong lumingon. Matalim ang pagkakatitig ko sa kanya. Bin-block

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 85

    Kagabi nang mabasa ko ang minsahe ni George. Muntik na naman akong madala sa selos. Muntik ko na namang makalimutan ang pangako kong pagkatiwalaan si Cherry. Kukumprontahin ko na sana siya. Pero saktong paglabas ko ng banyo ay nakita ko. Galit. Madiin ang pindot sa screen ng cellphone niya. Lumapit ako. Kitang kong bin-block niya ang numero ni George. “Sino ‘yan at parang galit na galit ka?” “Alam mo na kung sino…” Niyakap niya ako. “Anong sabi?”“Makikipagkita raw…gago siya!” Napangiti ako sa sagot niya. Hindi niya tinago. Kaya kahit paano ay napanatag ako. Ngayon ay sigurado na akong tutupad siya sa pangako niya. Nakangiti akong nagbihis. Maganda na naman ang umaga ko.“Asawa ko, ingat ka, ha…” sabi niya nang nasa garahe na kami. “Ikaw rin, ingat ka…if may problema, sabihin mo agad, okay?” Tumango-tango siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Ibinaba niya pa ang bintana ng kotse, kumaway sa akin at nag-iwan ng matamis na ngiti. Huminga ako ng malalim nang nasa loob na ako ng ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status