[Apol]
Napanganga siya pagdating nila sa venue kung saan gaganapin ang kaarawan ng lolo ni Mr. X.
Ganito ba talaga kayaman ang mga Helger? Aba kulang nalang ay bilhin ng mga ito ang Pilipinas.
"Stay at my side. Don't ever try to disobey me here, Apol. Don't act like a trash here of you don't want me to punish you when we get home." Mahinang bulong ni Mr. X sa kanya. Kalmado kung pakikinggan subalit naro'n ang pagbabanta.
"Sige po." Mahina niyang sagot.
Nilibot niya nang tingin ang paligid. Hindi niya mapigilan ang mapaawang ang labi ng makita niya kung gaano kaganda ang paligid. Black and white lang naman ang theme ng party subalit kakaiba ang pagka-elegente ng lugar na 'to. Lahat ng kababaihan, mapadalaga man, o may edad ay kumikinang ang mga alahas sa katawan. Hindi naman magpapatalo ang mga kalalakihan, may edad man, o kabinataan, lahat ay halatang mayayaman at may sinabi sa buhay.
Kaya pala gusto ni Mr. X na kumilos siya ng naayon sa gusto nito. Puro pala mayayaman ang mga narito