"Kaia, are we okay?" Tanong ni Lev nang makapasok kami sa kwarto.
Dumiretso ako sa bag ko para kumuha ng bagong masusuot. I decided to take a bath bago matulog. Palalamigin ko muna yung ulo ko sa ngayon. I don't want ny anger to be out of control. Okay lang sana kung nasa sariling bahay ako.
"No."
Nagtanong pa itong isang 'to kahit alam naman niya yung sagot. God! Can't he read the room? Talaga bang napaka-naive ni Lev? Even before! Noong nagkagusto pa siya kay Kali ay hindi niya talaga naisip kung ano yung mararamdaman ko kapag kasama niya ito. Kulang ata sa untog.
"Can we talk?" He asked. "Sige na, Kaia. Hindi ako mapakali hangga't hindi tayo okay."
"Why don't you go talk to Patty, then? Tutal close naman kayo. Siguro alam niya kung bakit ako nagkakaganito," irap ko.
"Nag-usap kayo? You told her why you were mad?" He asked.
Nasapo ko ang aking noo bago siya nilingon. Ang sabog naman kung mag-isip nitong si Lev.
"Seriously, Lev? 'Yan talaga ang naisip mo?"
"So you didn't talk?"
I s