"Y—you love your wife?" Hindi makapaniwalang tanong ni Beatrice.
"Yes," walang gatol sa sagot ni Levine. "Kaya hindi na tayo nababagay pa sa isa't-isa. Kalimutan mo na kung anuman yang nararamdaman mo, Beatrice. You're just wasting your time dahil kahit na ano pa ang gawin mo, hinding-hindi magbabago ang desisyon at nararamdaman ko," dagdag pa nito.
Ilang sandaling natahimik si Beatrice habang pinoproseso ng utak niya ang sinabi ni Levine. Hindi sila nababagay sa isa't-isa? Bakit? Si Graciella ba bagay kay Levine eh, isang hamak na hampaslupa lang ang babae?!
Gayunpaman ay hindi niya sinabi ang kung anumang nasa isipan niya. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos lalo na ngayong umamin na si Levine na mahal nito si Graciella. She needs to be smarter para makahanap siya ng paraan kung paano maibabaling sa kanya ang nararamdaman ni Levine.
"Okay... Okay... If you love Graciella then I will try myself to hold back kapag nagkita tayo ulit. Let's just stay friends. Kahit yan nalang Levine. Wa