"Baliw ka ba? At si Miss Beatrice pa talaga ang magnanakaw sayo?" Hindi makapaniwalang sambit ng receptionist.
Nanlaki naman ang mga mata ni Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Graciella sa receptionist kasabay ng kanyang panlalamig.
Alam ba talaga ni Graciella ang kanyang ginawa?
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at nag-isip ng paraan. She can't be discovered this time at baka malalagot na talaga siya kay Levine! Pero bago paman siya makapagdesisyon, isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong paligid.
"Anong nangyayari dito?"
"Sir Oliver!"
Mabilis na lumapit ang receptionist at security guard sa bagong dating. "Sir Oliver, isa po siyang makulit na fan ni Miss Beatrice at nagpupumilit na pumasok," sumbong ng receptionist at sinamaan pa ng tingin si Graciella.
Nangunot naman ang noo ni Oliver at nagpalipat-lipat pa ang tingin sa receptionist at kay Graciella. Nang makita niya ang reaksyon ng babae, sigurado siyang may nangyaring hindi maganda.
"Kaibigan ko siya at h