Marco
Masasabi kong napakagaling umarte ni Ashley. I'll give her that. Pero kung sa utakan lang din ang labanan, alam kong hindi niya ako malalamangan. Sa sobrang kagustuhan niyang makuha ako sa pamamagitan ni Asher, hindi man lang niya inisip na baka napaghandaan ko na ang lahat ng posibleng galaw niya.
Wala siyang kamalay-malay na habang nagpapa-drama siya kanina ay tahimik kong ni-re-record ang bawat salita niya. Hindi ko sigurado kung tatanggapin iyon bilang ebidensya sa korte, pero wala namang mawawala kung susubukan ko. At least, kapag narinig iyon ng judge, malalaman niya kung sino talaga ang mas karapat-dapat mag-alaga sa bata.
Masakit mang aminin, pero pansamantala kong kailangang ibigay si Asher sa kanyang ina. Hindi ko kayang suwayin ang utos ng korte dahil baka tuluyan pang hindi ko makuha ang custody kung ipipilit ko ang gusto ko sa ngayon.
Ang mas mahirap… ay kung paano ko sasabihin ito kay Ashlyn.
Nang makauwi ako, nadatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa sofa, hawak an