Share

Chapter 99

Penulis: R.Y.E.
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-20 23:40:18

Ashley

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami pinapasok sa loob ng courtroom. Tahimik akong pumasok. Gaya ng dati, nasa kaliwang bahagi si Marco. Maya-maya lang ay dumating na ang aking abogado.

"I'm sorry I'm late," sabi niya kaya naman isang matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya habang paupo ito ngunit pinili ko na lang na huwag muna itong sitahin.

"Case number 04987. A custody hearing for minor Marcus Asher Montecillo," anunsyo ng clerk. "Presiding: Honorable Judge Herminia Ramirez."

Tumayo kaming lahat nang pumasok ang judge. Matapang ang tindig nito, pormal ang mukha, at may tinig na parang walang sinasanto.

"You may be seated."

Sinimulan ang deliberasyon. Si Marco, gaya ng inaasahan, may dalang abogado. Matatas itong magsalita, pinapakita ang mga dokumento, larawan, at kahit mga email. Lahat para patunayang hindi raw ako "emotionally and financially stable" para alagaan si Asher.

Pero naging handa naman ang aking abogado, may mga dala din siyang mga dokumento na makakapagpatu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thanks for the update waiting for more updates Ms. R.Y.E.
goodnovel comment avatar
zeki
daming grounds na magagamit against u ashley over sa custody..hmmps...sarap mong tirisin....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 100

    MarcoMasasabi kong napakagaling umarte ni Ashley. I'll give her that. Pero kung sa utakan lang din ang labanan, alam kong hindi niya ako malalamangan. Sa sobrang kagustuhan niyang makuha ako sa pamamagitan ni Asher, hindi man lang niya inisip na baka napaghandaan ko na ang lahat ng posibleng galaw niya.Wala siyang kamalay-malay na habang nagpapa-drama siya kanina ay tahimik kong ni-re-record ang bawat salita niya. Hindi ko sigurado kung tatanggapin iyon bilang ebidensya sa korte, pero wala namang mawawala kung susubukan ko. At least, kapag narinig iyon ng judge, malalaman niya kung sino talaga ang mas karapat-dapat mag-alaga sa bata.Masakit mang aminin, pero pansamantala kong kailangang ibigay si Asher sa kanyang ina. Hindi ko kayang suwayin ang utos ng korte dahil baka tuluyan pang hindi ko makuha ang custody kung ipipilit ko ang gusto ko sa ngayon.Ang mas mahirap… ay kung paano ko sasabihin ito kay Ashlyn.Nang makauwi ako, nadatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa sofa, hawak an

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 99

    AshleyIlang minuto pa ang lumipas bago kami pinapasok sa loob ng courtroom. Tahimik akong pumasok. Gaya ng dati, nasa kaliwang bahagi si Marco. Maya-maya lang ay dumating na ang aking abogado."I'm sorry I'm late," sabi niya kaya naman isang matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya habang paupo ito ngunit pinili ko na lang na huwag muna itong sitahin."Case number 04987. A custody hearing for minor Marcus Asher Montecillo," anunsyo ng clerk. "Presiding: Honorable Judge Herminia Ramirez."Tumayo kaming lahat nang pumasok ang judge. Matapang ang tindig nito, pormal ang mukha, at may tinig na parang walang sinasanto."You may be seated."Sinimulan ang deliberasyon. Si Marco, gaya ng inaasahan, may dalang abogado. Matatas itong magsalita, pinapakita ang mga dokumento, larawan, at kahit mga email. Lahat para patunayang hindi raw ako "emotionally and financially stable" para alagaan si Asher.Pero naging handa naman ang aking abogado, may mga dala din siyang mga dokumento na makakapagpatu

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 98

    AshleyHindi ako makakapayag na hindi ko makuha ang aking anak. Alam ko na malakas ang laban ko lalo at isang taon pa lang mahigit si Asher. Kapag nagbigay ng order ang korte na sa akin siya mananatili ay sigurado akong palagi akong pupuntahan ni Marco. Kapag nangyari ‘yon, doon ko siya aakitin at hindi hahayaang umuwi kay Ashlyn.Tama, ganon nga.Pakiramdam ko ay gumaan ang aking dibdib matapos iyon. Parang nabigyan ako ng direksyon. Tumayo ako at dumiretso sa banyo upang maligo. Pilit kong inalis sa katawan ang kaba, ang pagdududa, at ang takot. Lahat ng iyon, isinama ko sa tubig na bumalot sa balat ko. Kailangan kong magmukhang maayos. Disente. Handa.Paglabas ko ng bahay, suot ko ang beige na slacks at simpleng blusa. Maayos ang buhok, may konting makeup, at may kumpiyansa sa bawat hakbang. Alam kong ito ang unang pagdinig, at ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para hindi ako pagkatiwalaan ng judge.MeTC, Pasig.Dumating ako ng mas maaga sa oras. Gusto kong ipakita na respons

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 97

    AshlynSa wakas, nakalipat na rin kami ng bahay. Tahimik dito, wala ring ingay ng mga sasakyan, at higit sa lahat… wala si Ashley.Pakiramdam ko ay mas malaya na ako. Parang may tinik na naalis sa dibdib ko, kahit alam kong hindi pa tapos ang lahat."Alam mo, mas panatag ako ngayon," bulong ko kay Marco habang pinagmamasdan namin ang mga bata sa sala. "Dito, hindi na tayo basta-basta matatagpuan ni Ashley."Tumango siya, ngunit may seryosong ekspresyon sa mukha. "May nakausap siyang abogado," ani Marco, halos pabulong.Napalingon ako sa kanya. Kumabog ang dibdib ko."Bakit?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko kahit na may kaba na sa dibdib ko."Custody," diretsong sagot niya. "Gusto niyang kuhanin si Asher."Nanigas ang katawan ko. Saglit akong natigilan, bago ako napayuko at mariing napapikit. Hindi ako pwedeng mawalay kay Asher. Hindi ko siya isinilang, pero alam ko sa sarili ko na mas magagampanan ko ang pagiging ina sa kanya at alam ko na hindi dahil sa hindi ako magkakaana

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 96

    Ashlyn“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko, habang nakakunot ang noo. Kakalabas lang namin ng sasakyan at ngayon ay nakatayo sa harap ng isang malaki, elegante, at magandang bahay na parang eksena sa mga teleserye.Sabado ngayon, at hindi ko talaga inaasahan ang ganitong lakad. Basta na lang ako sinabihan ni Marco kanina na may pupuntahan daw kami.Hindi na ako nagtanong. Naligo ako agad at nagbihis, habang nakisuyo kina Rere at Ana na ayusan din sina Asher at Maya. Wala akong ideya kung anong meron, pero hindi ko rin inasahan na dito pala niya kami dadalhin.“Halika sa loob,” ani Marco, sabay hawak sa kamay ko at dahan-dahang naglakad papasok sa loob ng bahay na may napakalaking pintuan habang nakasunod si Rere ha karga si Asher pati na si Ana na siya namang may kaga kay Maya. Parang may kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag dahil sa ideyang pumapasok sa isip ko.Sa loob ng bahay ay may isang babaeng naka-abang, maayos ang postura, may hawak na tablet, at nakasuot ng corporate

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 95

    MarcoPagkalipas ng limang araw, isang hindi inaasahang bisita ang bumungad sa opisina ko. Alam kong wala silang naging relasyon ni Ashlyn, pero hindi ko rin makakalimutang minsan, sa mga mata niya, nakita ko ang isang damdaming hindi ko kayang tawaran, ang tahimik ngunit lantad na paghanga.Huminga ako nang malalim, pinilit panatilihin ang aking composure.“Sandro,” ani ko habang itinuro ang upuang nasa harapan ng aking mesa. “Umupo ka.”Kahit nagpapatuloy ako sa pagpasok sa kumpanya, hindi ibig sabihin ay panatag ang loob ko. Araw-araw, bahagi ng isip ko’y naiiwan sa bahay, kay Ashlyn, sa mga anak namin, at sa posibilidad na biglang sumulpot na naman si Ashley.Pero ayaw ni Ashlyn na manatili ako sa bahay. Aniya, kaya na raw niya. At oo, nagtiwala akong hindi niya pababayaan ang sarili niya at hindi rin siya pababayaan ng mga kasambahay.Pero ngayong narito si Sandro, muling nabuhay ang lahat ng insecurities na pilit kong itinatago.“Ano'ng maipaglilingkod ko sa'yo? Nasa bahay si As

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status