Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos.
“Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon.
Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina.
“May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga.
“Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian.
“Nakalimutan ko na.”
Hindi na muling nakapagtanong pa si