Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
View MoreBitbit ang bote ng klarete, patalilis na umalis si Sabrina sa sala kung saan idinaraos ang kaarawan ng kanyang nobyo na si Seth. Parang hindi nga siya napansin nito dahil laging nakakapit na parang tuko ang kababata nitong si Pia sa kanyang braso. Kaninang-kanina lang ay lihim silang nagtalo ng nobyo dahil dito. Kinompronta kasi niya ang nobyo at kagaya ng mga nakaraan nilang pag-uusap, nauwi lamang ito sa pagtatalo dahil laging rason ng nobyo ay kababata nito si Pia at kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya wala siyang ipagselos. Nagseselos siya–’yon ang paratang ng nobyo pero para sa kanya, walang masayang nobya kung kulang na lang maghalikan sila ng kababata sa harapan niya. Nakipaghiwalay siya kay Seth kasi wala nang magandang kahahantungan pa ang kanilang relasyon kung laging mas matimbang lang din dito ang kababata. Iniwan niyang nagkakantahan ang mga ito kasama ang mga kaibigan ng nobyo at ilang nakatira sa apartment. Tumungo siya sa pangalawang palapag. Tiyak ang bawat hakbang tungo sa isang silid. Nang mapatapat sa pintuan ng pakay na silid ay humugot muna siya ng isang malalim na buntonghininga at tinungga ang bote ng alak. Ramdam niya ang pagguhit ng lasa ng alak mula sa kanyang lalamunan, pababa sa kaibuturan ng kanyang sikmura.
‘Pampalakas ng loob.’ Wika niya sa sarili.
Inipon niya ang lakas ng loob bago kumatok. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pintuan. Bumungad ang lalaking nakasuot ng polong puti na nakalilis hanggang siko ang manggas. Medyo hapit ang sukat nito sa katawan kaya maaaninag dito ang matitipuno niyang dibdib na bahagyang nakalantad dahil maluwag ang pagkakasuot ng kurbata at bukas ang dalawang butones nito sa itaas. Napalunok si Sabrina basi sa pagtaas-baba ng kanyang lalamunan na hindi naman nakaligtas sa pansin ng lalaki.
“Why are you here?” Iritable at magkasalubong ang kilay na usisa ng lalaki.
“Bakit? Bawal bang pumunta rito, Adrian?” Nakangising ganting tanong ni Sabrina na medyo nakatingala sa lalaki. Si Adrian ay kaibigan ng kanyang nobyo. Magkasama ang mga itong tumira sa bahay-paupahan kung saan sila ngayon naroroon.
Anim na talampakan ang tangkad nito kaya mapapatingala talaga ang sinumang kausap nito kagaya ni Sabrina na may limang talampakan at tatlong pulagada lamang ang tangkad.
“Kaarawan ng boyfriend mo dapat naroon ka.” Muling wika ng lalaki. Seryoso ang mukha nito. Cold as ice ang mga tinging ipinukol kay Sabrina. Nakahawak pa rin ang kanang kamay nito sa seradura ng pinto at nakapamulsa naman ang kaliwa.
“P’wedeng pumasok,?” Muling tanong ni Sabrina na hindi pinansin ang sinabi ng binata.
Humakbang siya papasok nang aktong isasara ng lalaki ang pinto pero mabilis pa sa alas-kuwatrong iniharang ni Sabrina ang katawan para hindi ito tuluyang maisara ng binata. Dahil nakainom si Sabrina ay bumuway ang tayo nito at nawalan ng balanse. Napakapit siya sa lalaki na siyang naging dahilan para sabay silang matumba sa sahig na nakapaibabaw siya rito.
“Hindi mo na ba mahintay?” Makahulugang wika ng lalaki sabay hapit sa kanyang beywang para lalong dumikit ang kanilang mga katawan na nanatili pa ring nasa sahig.
Ramdam ni Sabrina ang matitipunong braso at matigas na dibdib ng binata. Patunay na batak ito sa pag-e-ehersisyo. Parang may kuryenteng nanalaytay sa katawan ni Sabrina nang maramdaman niya ang marahang haplos ng palad ng binata sa nakabukas niyang likuran. She’s wearing a backless red dress na nagpalutang sa maputi at makinis niyang balat sa likurang bahagi at nagpalantad sa makinis at bilugan niyang mga hita dahil sa maiksing tabas nito.
“Payag naman akong dahan-dahanin lang kung iyon ang gusto mo,” tugon ni Sabrina nang makabawi at kumalas sa lalaki. Tumayo at ipinatong ang hawak pa ring alak sa maliit na mesa malapit sa higaan ng binata.
Nakasunod naman dito ang mga tingin ng binata habang bumabangon mula sa sahig. Nang tuluyang makabangon ay itinulak nito ang pinto gamit ang isang paa at humakbang papalapit kay Sabrina na ngayo’y nakasandal sa mesa. Hawak nito ang basong natagpuan sa mesa at tinagayan ng alak.
“Nagkahiwalay ba kayo ni Seth?” tanong ni Adrian. Nakapagkit ang blankong mga tingin nito kay Sabrina. Biglang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot si Sabrina. Parang naging hindi tama ang desisyon niyang puntahan ang lalaki sa silid nito.
“Nagkahiwalay ba kayo ng boyfriend mo kaya nandito ka upang gumanti?” Tanong ulit ni Adrian. Malakas at may diin ang bawat katagang binitawan nito.
Napatango si Sabrina para ikumpirma kay Adrian ang nais nitong malaman. Natahimik naman ito at napatigil sa tangkang paglapit habang matiim na nakatingin sa kanya. Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.
Saglit lamang iyon dahil pagkatapos ng ilang sandali ay biglang hinablot ni Adrian ang mga braso ni Sabrina at isinandal ito sa pader. Sinibasib niya ito ng halik habang ang mga kamay ay naglalakbay sa likurang bahagi ng katawan ng dalaga. May tila kuryenteng bumalot sa katauhan ng dalaga na siyang dahilan para mapaliyad ito at lalong napadiin ang pagkakadikit ng katawan kay Adrian. Gusto mang magsisi sa kapangahasang ginawa pero huli na ang lahat para bawiin pa ni Sabrina ang ginawang pagpunta sa silid ng binata.
“This is what you want, right?” Wika ni Adrian nang saglit na inihiwalay ang mga labi mula sa mapupulang labi ni Sabrina.
Akmang tutugon si Sabrina nang muling inangkin ni Adrian ang kanyang mga labi at buong-lakas na ibinuwal sa kama ang kanilang mga katawan. Hindi alam ni Sabrina kung paanong nakalapit sa kama dahil sa nakakaliyong sensasyon na lumukob sa kanyang katawan dala ng maiinit na labi at haplos ng binata.
Tila saglit siyang nawala sa katinuan na hindi man lang namalayan kung paanong nahubad ni Adrian ang kanyang suot. Tanging ang kapiranggot niyang suot na panloob ang natira na nagtatago sa kanyang pinakainiingatang pagkababae. Naikuros niya ang mga braso sa dibdib nang makaramdam ng ginaw dala ng malamig na dampi ng hangin mula sa nakabukas na air-conditioner.
“Take them away.” Wika ni Adrian sabay inalis ang mga brasong nakatakip sa dibdib ni Sabrina. N*******d na rin ito at tangng pang-ibaba ang natitira.
“I—”
“Ayaw mo? ‘Di ba at ito naman ang gusto mo kaya pagbibigyan kita.” Putol ni Adrian sa mga nais pang sabihin ni Sabrina gamit ang kanyang mga labi na muling sinibasib ang kanyang bahagyang nakaawang na mga labi. Bahagyang napaigtad si Sabrina nang maramdaman ang mainit na palad ni Adrian na sinakop ang nakatakip pa niyang pagkababae.
Saglit na napakunot ng noo si Adrian dahil sa reaksyon ni Sabrina pero bigla ring nabago ang ekspresyon nito at itinuloy ang gustong gawin sa dalaga. Ipinasok niya ang palad mula sa gilid ng kapirasong tela at nilaro ang perlas ng dalaga. Napaungol si Sabrina at tila may sariling buhay ang kanyang mga braso na kumapit sa leeg ng binata habang ang mga balakang ay kusa ring gunalaw. Sumasabay sa sa ritmo ng mga daliri ni Adrian na ginagalugad ang kanyang hiyas.
Wala silang kamalay-malay na may dalawang matang nakamasid sa kanila sa maliit na siwang ng pintuan at nakalolokong napangisi.
“Adrian?!”Hinabol ni Sabrina si Adrian na mabilis naglakad palabas ng bulwagan. May mga bisitang nakaharang sa kanyang daraan pero mabilis naman niya naiwasan ito. Pagdating sa labas ay agad niyakap ni Sabrina si Adrian mula sa likuran nang maabutan niya itong nakatayo sa harapan.“Adrian, huwag ka ng magalit. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pakiusap ni Sabrina sa binata at niyakap lalo ito nang mahigpit.“Bitiwan mo ako Sabrina.” Madiin nitong wika. “Wala ka na bang natitirang pagpapahalaga sa pagkababae?”“Adrian, please don’t get me wrong.” May mga dumadaan ng mga tao kaya nag-alala si Adrian na baka maintriga sila dahil ang alam nilang lahat ay wala siyang kasintahan at mailap siya sa mga babae. Baka maging tampulan pa sila ng tsismis. Dinala ni Adrian si Sabrina sa isang maliit na garden sa bandang gilid ng gusali kung saan idinadaos ang okasyon. Madalang ang tao roon kaya makakapag-usap sila ng maayos at walang inaalala si Adrian na maaring may makakita sa kanila at pagm
Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”
Kinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”
“Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended
“Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibig
Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya. Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari. Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments