Chapter: Chapter 113: BigoKinabukasan, nakatanggap ng mensahe si Adrian mula kay Mr. Black. Nakasaad sa mensahe nito ang address kung saan dating nakatira ang kapatid ni Sabrina. Ayon pa dito, ito lamang ang kanyang maitutulong dahil ito lamang ang impormasyong kanyang nakalap. Hindi niya alam kung doon pa ito nakatira sa address na ibinigay sa kanya.“Pupuntahan natin bukas nang maaga. May gagawin pa ako,” wika ni Adrian pagkatapos ibigay kay Sabrina ang address kung saan nakatira ang kanyang kapatid ayon sa informant ni Mr. Black. “Walang problema sa ‘kin. May pupuntahan lang din ako saglit mamaya habang busy ka sa gagawin mo.”Kagaya nang napag-usapan nila, umalis si Sabrina para bumalik sa mall kung saan sila nakakuha ng isusuot niya sa forum na dinaluhan niya kasama si Adrian. Pagdating sa mall, agad siyang dumiretso sa shop. Sinalubong agad siya ng tindera na nakaharap nila nang nagdaang araw. Tila natatandaan siya nito. “What can I do for you, Ma’am?” Maaliwalas ang mukhang tanong nito sa kanya. “Uh
Huling Na-update: 2025-10-16
Chapter: Chapter 112: Nagseselos“Adrian?!”Hinabol ni Sabrina si Adrian na mabilis naglakad palabas ng bulwagan. May mga bisitang nakaharang sa kanyang daraan pero mabilis naman niya naiwasan ito. Pagdating sa labas ay agad niyakap ni Sabrina si Adrian mula sa likuran nang maabutan niya itong nakatayo sa harapan.“Adrian, huwag ka ng magalit. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pakiusap ni Sabrina sa binata at niyakap lalo ito nang mahigpit.“Bitiwan mo ako Sabrina.” Madiin nitong wika. “Wala ka na bang natitirang pagpapahalaga sa pagkababae?”“Adrian, please don’t get me wrong.” May mga dumadaan ng mga tao kaya nag-alala si Adrian na baka maintriga sila dahil ang alam nilang lahat ay wala siyang kasintahan at mailap siya sa mga babae. Baka maging tampulan pa sila ng tsismis. Dinala ni Adrian si Sabrina sa isang maliit na garden sa bandang gilid ng gusali kung saan idinadaos ang okasyon. Madalang ang tao roon kaya makakapag-usap sila ng maayos at walang inaalala si Adrian na maaring may makakita sa kanila at pagm
Huling Na-update: 2025-07-15
Chapter: Chapter 111: DeterminadoKinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”
Huling Na-update: 2025-07-14
Chapter: Chapter 110: Ang paghahandaKinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”
Huling Na-update: 2025-07-10
Chapter: Chapter 109: Shopping“Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended
Huling Na-update: 2025-07-08
Chapter: Chapter 108: Maimpluwensiyang pamilya“Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibig
Huling Na-update: 2025-07-06
Chapter: Chapter 9Isa sa mga pribadong silid kung saan sina Lilian at Jane at napag-usapan nilang sulitin ang gabing iyon sa pagsasaya. Hinihikayat din ni Jane si Lilian para kumuha sila ng lalaking mag-e-entertain sa kanila pero tumanggi si Lilian. “Ayaw kong mahanapan ni Marco ng butas ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Hangga’t maari, ayaw ko siyang bigyan ng rason para ibalik sa akin ang lahat.” “Sabagay. May ugali pa naman ‘yang tatay ng anak mo. Ewan ko ba at minahal mo ‘yon,” sang-ayon naman ni Jane sa kaibigan. Saglit silang natahimik habang inumpisahan na nilang inumin ang alak na kanilang inorder at namili ng kakantahin sa videoke nang tumunog ang mobile phone ni Lilian. “Saglit lang Jane, sasagutin ko lang. Si Dave ang tumatawag. “Walang problema.” Lumabas si Lilian at naghanap ng tahimik na lugar para sagutin ang tawag ni Dave. “Hello, Kuya?” “Maka-kuya ka naman. May good news ako Lilian. Matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling studio.” Masayang wika nito kay Lilian. “T
Huling Na-update: 2025-11-27
Chapter: Chapter 8Ipinagluto ng katulong si Justine ng simpleng pagkain para makapag-almusal na ito. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan naman siya ni Marco sa kabilang bahagi ng mesa. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakita ni Justine ang matiim ng ama sa kanya kaya muli itong yumuko at kumain nang kumain. Hindi na kayang salubungin ang mga tinging ipinukol ng ama. “Ang mommy mo ba ang nagturo sa ‘yo ng mga sinabi mo kahapon?” “Hindi po si mommy, dad. Narinig ko po doon sa—“Simula sa araw na ito, doon ka muna mamalagi sa lola mo sa malaking bahay,” agaw ni Marco. Ito ang paraang naisip niya para umuwi si Lilian. Alam niyang hindi kayang tiisin ng babae ang anak. Naalala pa niya, noong itinulak daw ng asawa si Winona sa pool ay pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala kay Justine sa bahay ng mga magulang. Hindi nito natiis at nagmamakaawang papasukin doon nang malamang maysakit ang anak. Nagpakabasa ito sa ulan sa pagmamakaawa sa labas ng gate ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa pi
Huling Na-update: 2025-11-20
Chapter: Chapter 7Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan. “Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona. Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis. “Tita Winona, kabit ka po ba?” Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig. “Ano ulit ‘yon, Justine?” “Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata. Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na it
Huling Na-update: 2025-11-13
Chapter: Chapter 6Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis. “Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan. Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak. Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito. Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin. “Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti. Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti. “Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak. Pagkaalis nina Marco at Win
Huling Na-update: 2025-11-10
Chapter: Chapter 5Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay. “Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig. “Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco. “Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona. “Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona. “Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himih
Huling Na-update: 2025-11-08
Chapter: Chapter 4Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat
Huling Na-update: 2025-11-01