Zake is her only friend, her best friend, her brother in all the ways that mattered. Hindi man sila magkadugo, pero ito ang taong dumamay sa kanya noong wala siya ni isa. He protected her like a big brother would. She owed him the truth, but not the shock.
“Ano bang gusto niyo? Coffee? Pizza? Juice?” mahinahong tanong ni Kierra habang sinusubukang gawing normal ang sitwasyon kahit na ang tensyon ay nandoon pa rin.
“Just order what you want. Kung anong gusto mong kainin, iyon na rin ang sa amin,” sagot ni Aiden, ang boses nito'y banayad pero may tinatagong tensyon. Mapungay ang tingin niya kay Kierra, halos nagbabago ang boses niya tuwing ito ang kinakausap. Nakakunot ang noo ni Kierra nang mapansing tumagal ang tingin ni Zake sa kanya—mahaba, malalim—bago ito bumaling muli kay Aiden na animo'y may kung ano na itong iniisip ngayon dahil lang sa banayad na boses ni Aiden.
There was a silent conversation happening between the two men. Isang tinginan na walang salita pero puno ng pasaring,