Sakay na ng taxi si Zeke pauwi sa kaniyang condo. Pagkatapos mailibing kahapon ng kaniyang lolo nagpasya na siyang bumalik sa bansa. Bukod kasi kay Hope at sa trabahong naiwan ay iniiwasan niya rin ang magmukmok at malungkot sa pagkawala ng kaniyang lolo.
Sumilip si Zeke sa bintana ng taxi at tinanaw ang kalsada. Bagaman saglit lang siyang nawala ay na-miss niya ang Duncan Mills. Naalala niya bigla si Hope. Miss na miss niya na rin ito. Sandaling nagtalo ang isip ni Zeke kung uuwi muna ba siya o pupuntahan ang kaibigan.
Sa huli, napagdesisyunan niyang dumaan muna sa bahay nito kaya kaagad niya nang sinabihan ang taxi driver ng bago nilang destinasyon. Walang kaalam-alam si Hope na ngayon ang balik niya at gusto niya itong sorpresahin. Subalit hindi niya inaasahan na siya pala ang masosorpresa pagdating niya sa bahay nito.
Hindi na mabilang ni Zeke kung ilang beses niya nang pinindot ang doorbell at kinatok ang pinto ng bahay nina Hope. Hindi siya umaalis dahil alam niyang may tao sa b