Duguan at putok na ang gilid ng labi ni Isaac dahil sa ilang ulit na pagsapak sa kaniya ng amang si Roland. Sa kabila ng lagay ng manugang na si Hope ay mas inaalala pa ng matandang lalaki ang kahihiyang aabutin dahil sa ginawa ni Isaac.Sa gitna ng pagtatalo, naagaw ang atensyon nina Isaac nang bigla na lang nagkaroon ng ingay sa labas at biglang pagkakagulo ng ilan sa mga staff sa ospital."May babaeng nahulog sa building!" Narinig nilang sigaw ng nurse na tarantang dumaan sa harapan nila.Sabay-sabay namang nagkatinginan sina Isaac. Mabilis siyang pumihit sa pinto ng kwarto ni Hope at walang katok-katok na pumasok. Napaawang ang bibig niya nang sa halip na ang asawa ang makita, ang bumungad sa kaniya ay ang kurtinang isinasayaw sa ere ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na malaking bintana.Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Hilda sa napagtanto. Nakapasok na rin ito sa loob ng silid at katulad ni Isaac at ng iba pang saksi, gulat na gulat at takot na takot ito."Hope!"
Marahas na hinila ni Zeke si Angenette palayo sa pinto ng silid ni Hope. Tila nilayasan na siya ng pagkamaginoo niya sa naging asta niya sa babae. Galit na galit siya rito dahil isa ito sa mabigat na rason kung bakit napahamak si Hope. Hindi niya maisip kung saan si Angenette humuhugot ng lakas ng loob para magpunta roon pagkatapos ng gulong dinala nito sa relasyon nina Isaac at Hope."What are you doing here?" masama ang tingin na tanong niya kay Angenette.Kinakabahan namang napalunok si Angenette. Natatakot ito sa paraan ng pagtingin ni Zeke na parang isang leon na handang manakmal anumang sandali."Gusto ko lang makita si Ho—""What for? Para siguruhing hindi na siya magigising para tuluyan mo nang makuha si Isaac?" malupit na paratang ni Zeke pagkatapos, ngumisi. "Hinding-hindi ako makapapayag do'n, Angenette. Sisiguraduhin kong magigising si Hope kahit ano'ng mangyari. But don't worry, dahil kahit magkamalay na siya hindi ko na hahayaan pa ulit na makalapit sa kaniya si Isaac. I
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Isaac matapos makatanggap ng tawag kay Doc Kevin na gising na si Hope. Bagaman natitiyak niyang naroroon ang kaniyang mga biyanan at si Zeke, hindi niya na inaalala ang mga ito. Ang importante sa kaniya ngayon ay ang makita ang kaniyang asawa.Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng silid ni Hope nang pumasok si Isaac. Masama ang tingin sa kaniya ng mga ito maliban kay Hope na ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha dahil sa pagkakangiti sa kaniya. Tila natutunaw ang puso ni Isaac sa tuwa nang makitang maayos na ito, bukod do'n, sobrang gaan ng pakiramdam niya na makita ulit itong nakangiti. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na ngumiti ito sa kanila.Lumapit si Isaac kay Hope at niyakap ito. "K-kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya subalit nanatili lamang na nakatitig sa kaniya si Hope nang hindi napapawi ang matatamis na ngiti sa labi. Tila hindi ito kababakasan ng kahit na anong sakit o hinanakit. "Hope?""Bakit ngayon
"We've been married for years, I was just wondering bakit wala pa rin tayong anak? Bakit nga ba, Isaac?"Hindi nakasagot si Isaac sa tanong ni Hope. Kinabahan siya at labis na napaisip sa kung paano sasagutin ang asawa."Am I perhaps... You know..." Bahagyang yumuko si Hope. "Ako ba ang may problema?""W-what do you mean?""Alam mo na... baog," halos pabulong na sabi ni Hope."What? No, no, no, you're perfectly fine." Umuklo si Isaac sa harapan ni Hope at hinawakan ang kamay nito. "There's nothing wrong with you."Binawi naman ni Hope ang kamay at nag-aalangan na tinuro siya. "Then, it's you?"Matipid ang ngiti na umiling si Isaac. "We're both fine, Hope. Ummm... w-wala pa tayong anak kasi... kasi wala pa siya sa plano natin. Ummm, gusto mo na ba'ng magka-baby tayo?"Bahagyang ngumuso si Hope at nag-isip. "Hmmm... It would be nice kaso sa sitwasyon ko ngayon I don't think I'm fitted to become a mom."Marahang hinaplos ni Isaac ang buhok ni Hope. "When you get better, we will."Tumango
Sa convenience store.Mula sa counter, tahimik na nakatanaw sa labas ng convenience store si Angenette habang malalim ang iniisip. Inaalala niya si Hope. Kahapon ay muli niya itong sinubukang bisitahin sa ospital subalit natuklasan niya na na-discharge na pala ito.Napabuntonghininga siya. Gusto niya sanang personal na humingi ng tawad kay Hope subalit nag-aalangan siyang puntahan ito sa bahay nito at ni Isaac.Napadako ang tingin ni Angenette sa pinto nang bigla iyong bumukas. Laking gulat niya nang makitang pumasok ang ina ni Isaac na si Lorna kasama ang driver nito."So, ito pala ang convenience store na ibinigay sa 'yo ng anak ko," umiiling-iling na sabi ng ginang habang may nakakainsultong ngisi sa labi. "Ibang klase ka rin talagang babae ka. Hindi ko maisip kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para maging ganiyan kakapal ang iyong mukha."Tiningnan muna ni Angenette nang sandali ang natutulog na si Timmy sa ilalim ng counter bago siya lumabas ng counter upang harapin si Lorna.
Abot tainga ang ngiti ni Hope habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan kasama si Zeke; ang kan'yang best friend at manager. "I can't believe we're finally getting home!" bulalas niya nang marinig sa intercom ang boses ng kanilang piloto na nagsasabing malapit na sila sa kanilang destinasyon. Hindi niya napigilang mapapalakpak sa labis na tuwa."You're being too loud, Hope. Baka makilala ka ng mga pasahero. Gusto mo bang dumugin tayo ng mga fan mo rito?" masungit na saway sa kaniya ni Zeke.Bahagya niya namang ibinaba ang suot na cap upang matakpan ang kan'yang mukha sa pangambang baka magkatotoo nga ang sinabi ni Zeke. She knew that whatever comes out of Zeke's mouth, always comes true.Muli siyang napalingon kay Zeke nang tawagin siya nito. Without a word, marahan na iniipit nito sa kan'yang tainga ang ilan sa mga hibla ng kan'yang mahabang buhok at sinuotan siya ng itim na face mask para itago ang kan'yang mukha . "Don't forget to wear your sunglasses later when
"Cut!" sigaw ng Director matapos hindi bitawan ni Hope ang linyang dapat sanang isasagot niya sa kan'yang kaeksena."Sorry po, Direk!" paumanhin ni Hope.Dahil sa tila wala sa kondisyon si Hope ay nagpasya ang kanilang direktor na mag-break muna. Nilapitan ni Zeke si Hope at dinampian ng ice pack ang namumula at halos namamaga na nitong pisngi dahil sa eksena nitong sampalan kanina."Does it hurt?" tanong niya kay Hope."Wala lang 'to kumpara sa wasak ko ngayong puso," sagot ni Hope na ikinatawa niya. "Don't laugh. My heart is literally aching right now, Zeke."Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin ang lungkot sa mga mata ni Hope. Nitong mga nakaraang araw ay napansin niya rin na tila naging matamlay ito."You know that you can always tell me anything." Naupo siya sa tabi nito habang dinadampian pa rin ang pisngi nito ng ice pack.Bumuntong-hininga si Hope. "Zeke, my first love has finally come to an end." Napakunot-noo siya. "Bakit?"Pilit ang mga ngiting tumingin si Hope sa kaniyan
"I'm so sorry, hindi na dapat tayo pumunta sa 'min." Hinawakan nang mahigpit ni Isaac ang kamay ni Angenette. Hindi niya lubos akalain na aabot sa punto na ipahihiya ito ng kan'yang mga magulang sa harapan mismo ng ibang tao.Pagkatapos ng mainit nilang sagutan ng kan'yang mga magulang, nagpasya siyang umalis kasama si Angenette. Dinala niya ito sa park kung saan sila madalas na tumambay noon upang mapagaan ang pakiramdam nito.Naupo sila sa isang bench at doon pansamantalang nagpahinga.Tumingala si Angenette at tiningnan ang mga bituin sa kalangitan. "She's beautiful," mahinang sabi nito."Ha?"Nilingon siya nito sa kan'yang tabi. "Si Hope."Inalala niya ang hitsura ni Hope. Kumpara kay Angenette, higit na mas maganda nga ito rito. Bukod sa mestiza ay napaka elegante rin nitong tingnan mula ulo hanggang paa samantalang si Angenette naman ay simple lamang. Subalit sa kabila ng magagandang katangiang iyon ni Hope ay hindi niyon nakuha ang interes niya. Para sa kan'ya, si Angenette ang