Natigilan ang lahat sa isiniwalat ni Zeke. Napabitaw na sa kaniya ang daddy ni Hope at si Isaac naman ngayon ang pinagtuunan nito ng atensyon.
"Ano'ng kalokohan 'tong sinasabi ni Zeke, Isaac? Totoo bang may babae ka?!"
Nasapo ni Isaac ang noo. "Look, Pa, magpapaliwanag po ak—"
Hindi na nagawa pang tapusin ni Isaac ang sinasabi nang ang daddy ni Hope naman ngayon ang sumapak sa kaniya.
"Totoo nga!" Galit na galit na ibinagsak sa sahig ni Wilson si Isaac at pinaibabawan.
"Wilson, tama na! Layuan mo ang anak ko! There must be a misunderstanding! Hindi magagawa ni Isaac 'yon!" awat naman ni Lorna habang pilit na inilalayo si Wilson kay Isaac.
Tiningala ni Lorna ang biyanang si Hilda upang hingan ng tulong para awatin ang dati nitong asawa ngunit balewala ang lahat ng pakiusap niya dahil wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak sa natuklasan.
Hindi lubos akalain ni Hilda na matutulad sa kaniyang kapalaran sa pag-ibig ang pinakamamahal na anak. Nagsisisi siyang pumayag na ipakasal si Hope