Share

Chapter 37.1

Author: Chel Aguirre
last update Huling Na-update: 2023-10-20 12:12:30
Duguan at putok na ang gilid ng labi ni Isaac dahil sa ilang ulit na pagsapak sa kaniya ng amang si Roland. Sa kabila ng lagay ng manugang na si Hope ay mas inaalala pa ng matandang lalaki ang kahihiyang aabutin dahil sa ginawa ni Isaac.

Sa gitna ng pagtatalo, naagaw ang atensyon nina Isaac nang bigla na lang nagkaroon ng ingay sa labas at biglang pagkakagulo ng ilan sa mga staff sa ospital.

"May babaeng nahulog sa building!" Narinig nilang sigaw ng nurse na tarantang dumaan sa harapan nila.

Sabay-sabay namang nagkatinginan sina Isaac. Mabilis siyang pumihit sa pinto ng kwarto ni Hope at walang katok-katok na pumasok. Napaawang ang bibig niya nang sa halip na ang asawa ang makita, ang bumungad sa kaniya ay ang kurtinang isinasayaw sa ere ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na malaking bintana.

Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Hilda sa napagtanto. Nakapasok na rin ito sa loob ng silid at katulad ni Isaac at ng iba pang saksi, gulat na gulat at takot na takot ito.

"Hope!"
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Chel Aguirre
Thank you so much, Ma'am, for making time reading this story. Pasensiya na po sa mabagal na updates, medyo packed po kasi sched ko nitong mga nakaraang buwan. I'll try to get back to this story soon kapag na ayos ko na po schedule ko.
goodnovel comment avatar
Myleen Laurio Vasquez
ang ganda na tagal ng update...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 58

    Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 57

    Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 56

    Galit na naikuyom ni Isaac ang mga kamao nang matuklasang si Doc Kevin ang may pakana ng eskandalong kinasasangkutan ngayon ni Hope. Ipinaliwanag sa kaniya ni Zeke ang lahat ng nalalaman nito."But how was he able to install a camera here?" "Malamang ay nakalagay iyon sa isa sa mga regalong ipinadala niya kay Hope," ani Zeke, saka bumalik sa silid na dating inuukupa ni Hope. Mabusisi nitong sinuri ang mga gamit sa loob lalo na ang mga regalo na mula sa mga tagahanga ni Hope. Tinulungan na rin ito ni Isaac sa pag-iimbistiga.Nakuha ang atensyon ni Isaac ng malaking pink teddy bear. Binuhat niya iyon at pinakatitigan nang mabuti. Lumapit sa kaniya si Zeke pagkatapos, napatitig ito nang maigi sa malaking mata ng teddy bear. His instincts told him to detach the eyes of the stuffed toy from its head. Halos sabay silang napamura nang makita ang maliliit na wirings sa likod ng mata ng teddy bear. Ito na nga ang hidden camera na hinahanap nila."That psychopath! Matagal niya nang minamanman

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 55.2

    Pagdating sa bahay ay kaagad na napansin ni Hope ang isang kulay pink na box sa tapat ng kanilang pintuan. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob ng bahay. Marahil ay galing iyon sa isang tagahanga... o kay Doc Kevin."Where have you been?" tanong sa kaniya ni Isaac nang datnan niya ito sa kusina."Just somewhere," malamig niya namang tugon dito sabay ipinatong sa mesa ang dalang box."You're no longer using your cane," puna pa nito.Pinagalitan ni Hope ang sarili sa loob-loob. Bakit niya ba nakalimutan ang props na iyon?"I don't need it anymore. Kaya ko namang maglakad na nang wala iyon."Tumangu-tango naman si Isaac, saka tumingin sa pink box na dala niya. "From that number one fan again?" tanong nito, subalit hindi na siya sumagot.Binuksan ni Hope ang kahon at nagulat nang bumulaga sa kaniya ang laman nitong kulay pink na teddy bear na punit-punit na ang katawan at may mga mantsa ng tila sariwang dugo. Napalayo siya dahil sa masangsang nitong amoy."What's that smell?" nakasimangot

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 55.1

    Ini-locked ni Hope ang pinto ng kanilang silid ni Isaac pagkapasok niya sa loob. Saka niya pa lamang nagawang bitiwan ang hagulhol na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Mariin niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang marinig siya ni Isaac dahil ayaw niyang isipin nito na nasasaktan siya sa desisyon niyang hiwalayan na ito.Nagagalit siya sa sarili. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Bakit pa rin siya nasasaktan gayong dapat ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaganti na siya kay Isaac? Nasaktan niya na ito. Dapat siyang magdiwang.Paulit-ulit na hinampas nang malakas ni Hope ang dibdib."Tama na! Tama na! Matigas ka na dapat! Hindi mo na dapat siya iniiyakan!"Buong magdamag na umiyak si Hope sa gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siyang nakahiga sa sahig. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya roon sa kaiiyak.Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Isaac na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan. Sandali niyang pinanood ito sa ginagawa hanggang sa napansin n

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 54

    Naghambalan ang mga kasangkapan sa living room ni Doc Kevin pagkatapos nitong magwala. Nagngingitngit sa galit siyang umuwi pagkatapos ng pagkikita nila nina Hope at Zeke at ang kaniyang mga gamit sa bahay ang kaniyang napagdiskitahan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Hope. "You can't do this to me, Hope!" gigil at mabigat ang hiningang sigaw ni Doc Kevin habang nakaupo sa nakabalagbag na ngayong sofa. Ngumingisi niyang isinuklay sa magulo nang buhok ang duguan niya nang kamao dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa pader. "Kung akala mong ganito kabilis matatapos ang lahat, nagkakamali ka." Nagmartsa si Doc Kevin patungo sa kaniyang silid. Naupo siya sa harapan ng kaniyang study table at binuksan ang kaniyang laptop. Muli siyang napangisi nang mahanap ang file na kaniyang sadya. Binuksan niya iyon pagkatapos ay bumungad na sa kaniya ang mga hubad na larawan at videos ni Hope habang nasa silid nito ito. Palihim niyang nakuhanan ang mga ito sa pamamagitan ng spy cam na inilagay niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status