MARIANNE
Hidden office ba ito ni daddy? Pero bakit? Posible kaya na may kinalaman ito sa mga nangyayari ngayon? Hinanap ko ang switch ng ilaw at ng makita ko ito ay kaagad ko itong binuksan. Bumungad agad sa akin ang mga nakatambak sa mesa na mga papeles. Marami ito at may mga pictures pa.
Mabilis ko itong binasa at nagulat ako dahil mga ebidensya ang mga ito. Mga ebidensya at may mga pictures ng mga taong nasa listahan ng hard drive. Bigla akong naguluhan. Hindi ko alam kung bakit may mga ganito dito. Ibig sabihin ay alam niya ang tungkol sa sindikato? May kaugnayan ba talaga siya sa mga ito?
Sinimulan kung basahin ang mga ito hanggang sa may isang USB na nakahalo sa mga papel. Nandito ang laptop ni daddy kaya binuksan ko ito. May password kaya naman iniisip ko kung ano ba ang posibleng password niya. Sinubukan ko ang birthday ko at bumukas ito.
Video lang ang nasa file na nandito kaya naman binuksan ko ito. Umupo rin ako sa swivel chair ni daddy. Nagsisimula na itong magplay ngayon