thank you po sa inyong lahat! God bless po!
MARIANNE“Totoo ba ito?” tanong nila sa akin.“Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit.? Ano ba ang nangyayari?” tanong ko sa kanila.“Hindi rin namin alam, pretty. Pero hindi ito totoo, baka mamaya ay sinabi lang nila na kasabwat ang daddy mo.” sabi sa akin ni Gene.“Oo nga, baka mamaya ay pinalabas lang nila para pagtakpan ang mga ginawa nila sa kanya,” sabi ni Libby sa akin.Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. May point ang mga kaibigan ko pero bakit? Bakit kailangan na kasama siya?“H–Hindi ito totoo, kilala ko ang daddy ko. Galit nga siya sa mga manloloko eh. Kaya hindi siya isa sa kanila,” sabi ko sa mga kaibigan ko.“Naniniwala kami na inosente si tito. Huwag kang mag-alala dahil aalamin natin ang totoo,” sabi nila sa akin.Inayos namin ang mga pangalan sabay print para may copy na kami. Iisa-isahin pa kasi namin ang mga profile nila dahil hindi namin sila kilala. Gusto kong umalis ngayon pero hindi ko ginawa lalo na may kailangan pa kaming gawin n
MARIANNE“Why are you here?” tanong ko kay Ayra pagpasok pa lang niya sa main door.“Bakit ba kailangan mo akong tanungin kung bakit ako nandito? Baka nakalimutan mo na ina ako ng mga anak ni Andrew,” halatang naiinis na sagot niya sa akin.“Hindi ko naman ‘yan nakakalimutan. Kaya lang, may lakas ka pa rin talaga ng loob na bumalik dito after ng ginawa mo sa mga anak mo.” “Kahit pa anong gawin mo ay anak ko sila. At ikaw, magiging babae ka lang ni Andrew–”“Oo naman, babae niya ako. Babaeng papakasalan,” nakangiti na sabi ko sabay pakita ng singsing ko.“What’s the meaning of this?” tanong niya sa akin na halatang galit siya.“Engaged na kami at magpapakasal na, kaya mas lalo kang mawawalan ng karapatan na pumunta sa bahay na ito kapag ako na ang reyna dito.” nakangisi na sabi ko sa kanya dahil gusto ko siyang asarin.“Ang kapal ng mukha mo. Tingnan natin kung hanggang saan kayo kapag nalaman ng mga tao na sarili niyang inaanak ay binabahay niya. Sa tingin mo gagalangin pa siya ng mg
MARIANNE“Rules is rules–”“Kung ganun ay puwede ko na ba silang pat*yin?” bigla kong tanong sa kanya at nakatingin ako ng diretso sa mga mata ni Val. Alam ko na nagulat siya sa sinabi ko. Gusto ko lang na malaman niya na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.“Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Bakit naman–”“Kung tatanggalin mo si Yanne ay mas mabuti pa na isama mo kami sa kanya. Dahil hindi namin gagawin ang misyon na wala ang kaibigan namin.”“Tama si Gene, hindi kami susunod sa ‘yo kung ganyan ka. Kung kami rin naman ang nasa kalagayan niya ay ginawa na rin namin ang ginawa niya kanina.”“Mga pasaway kayo–”“Matino pa kami sa lagay na ‘to,” sabi sa kanya ni Libby.“Ano ba ang gagawin ko sa inyo? Fvck! Binigyan niyo pa ako ng problema.”“Dapat nga masaya ka dahil blessing ang marami kang problema,” sabi pa ni Libby na kahit kailan talaga ay patawa rin.“Blessing?”“Ang gawin mo ay hayaan mo kaming tapusin ang trabaho namin kung nais mo pa na matapos na ito.” sabi ko kay Val.“Bahala na kayo,
MARIANNE“Saan ka ba talaga galing?” tanong ni Andrew sa akin.“Alden, aakyat muna si mommy sa taas. Magbibihis lang ako ng damit ko,” paalam ko sa bata para hindi na siya magtanong pa sa akin.“Okay po, mommy.” nakangiti na sabi niya kaya naman umakyat na ako. Kilala ko na si Alden kaya alam ko na hindi ako nahihirapan kapag siya ang kausap ko.Alam ko na nakasunod sa akin ang fiancee ko at hinayaan ko na lang siya. Pagpasok ko sa room namin ay ibinaba ko ang case ng baril ko sa sahig.“Bakit ang tagal mo umuwi? Saan ka galing?” tanong sa akin ni Andrew.“Sa puntod ni daddy k–”“Sa tingin mo ba talaga ay maniniwala ako sa sinasabi mo? Bakit kailangan na magsinungaling ka sa akin? At ito, ano ‘to?” tanong niya sa akin at binuksan niya ang case ng sniper rifle ko.Alam ko na nagulat siya sa nakita niya. Hindi niya maalis ang tingin sa baril ko.“Bakit dala mo ito? Anong ginawa mo dito? Sa ‘yo ba ito?” sunod-sunod na tanong niya sa akin habang nakatingin sa baril ko.“Ginamit ko kanina,”
MARIANNE“Yanne, stop!”Narinig ko na sigaw ni Libby kaya naman napahinto ako sa dapat na gagawin ko. Kumunot pa ang noo ko dahil nandito silang dalawa. “Bakit kayo nandito?” tanong ko sa kanya.“Please, ‘wag mong gawin ito.” pakiusap nila sa akin.“Bigyan niyo ako ng dahilan para makinig ako sa inyo,” sabi ko sa kanilang dalawa.“Mali i–”“Mali? Mali ito? At anong tama? Ang hayaan siya na maging malaya after niyang patayin ang daddy ko?” tanong ko kay Gene.“Alam namin na nasasaktan ka pero makinig ka naman sa amin. Huwag kang maging katulad nila, nakikiusap kami sa ‘yo. May tamang proseso at pagbabayaran niya ang ginawa niya kay tito,” sabi niya sa akin.“Tamang proseso? Saan? Eh nakalabas nga siya eh,” sabi ko sa kanila dahil galit ako. Hindi ko alam kung paano ba siya nakalabas. Pero sure ako na may mataas na nagpoprotekta sa kanya kaya ayaw ko ng umasa na dadaan pa ito sa tamang proseso.“Pretty, galit ka lang. Galit ka lang kaya mo ‘yan sinasabi,” sabi niya sa akin.“Tama ka, g
THIRD PERSON POV“Mayor, nasaan si Yanne?” tanong ni Gene pagkarating pa lang ni Andrew sa bahay niya.“May pupuntahan lang raw siya,” sagot naman nito sa kanya.“Saan daw?”“Sa daddy niya. Ang sabi niya sa akin ay dadalawin lang niya ito at uuwi rin siya agad,” sagot naman ni Andrew dahil ‘yon ang sinabi ni Yanne sa kanya at may tiwala naman siya sa babaeng mahal niya.“Ganun ba,” sabi na lang ni Gene at nagpaalam siya na aakyat muna para puntahan si Libby.Nasa isang silid lang sila kaya hindi na siya kumatok pa. Pumasok na lang agad siya sa may pintuan.“Lib, wala pa si Yanne dahil pupunta pa raw siya sa daddy niya sa sementeryo,” sabi niya sa kaibigan.“Sa tingin mo ba talaga ay sa sementeryo siya pumunta? Ang sabi sa akin ni Elias ay binaril niya ang pumatay sa daddy niya. Mabuti na lang at hindi ito namatay pero mukhang magiging disable naman ito. Dalawang tuhod raw ang pinutirya niya,” sabi naman ni Libby na nakatanggap ng balita mula kay Elias.“So, ibig sabihin ay galit siya?”