Gaya ng sinabi ng kaibigan, magandang pasyalan ang mga isla na may magagandang tanawin. Isa na roon ang Camiguin sa kung saan naroroon sila. Ayon pa rito, nagsasawa na raw ito sa paulit-ulit na pag-iikot sa buong Luzon. Gusto daw nitong pasyalan naman ang ilang malaparaiso at mala-misteryosong mga lugar sa ibabang parte. Gaya na lamang ng Palawan, Aklan, at ilan pang mga isla na makikita sa Visayas na hindi pa gaanong nadidiskubre ng karamihan.
Patuloy pa rin ito sa pagtingin sa mapang makikita sa cellphone na dala. Malapit na sila sa sentro ng Camiguin nang mga oras na iyon gaya ng hinihiling nitong puntahan.
“Dinamay mo pa talaga ako diyan sa pagiging gala mo,” pairap niyang saad habang nagmamaneho.
Patuloy pa rin ito sa pagtingin sa mapa sa cellphone’ng dala. Malapit na sila sa sentro ng Camiguin nang mga oras na iyon gaya ng hinihiling nitong puntahan.
Ngumiti ito. “Siyempre, minsan na nga lang tayong mag-bonding. Tamang-tama rin naman kasi iyang sitwasyon mo para samahan ako