DAHIL SA TAKOT kay Weston ay nagawang tumakbo ni Saskia. Ngunit hinabol siya nito at mabilis siyang naabutan. Mahigpit siya nitong hinawakan sa braso at malalaki ang mga hakbang na hinila siya nito papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.
“Weston, ano ba?! Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” malakas na sambit niya habang hinahampas ang malabakal nitong kamay na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso.
Pinagtitinginan na rin sila ng mangilan-ngilang tao na nakakasalubong nila. Natigil siya sa paghampas sa kamay nito nung bigla itong tumigil at seryosong tumingin sa kanya at nagsalita.
"Wala akong gagawing masama sa ‘yo, at hindi kita sasaktan. Kaya habang hindi pa tuluyang umiinit ang ulo ko, nakikiusap ako sa ‘yong sumunod ka na lang,” may pagbabantang sambit nito habang matatalim ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya.
Iyon nga ang ginawa niya para wala nang gulo. Sumunod na lang siya sa ginagawa nitong paghila sa kanya. Pagdating sa kinapaparadahan ng sasakyan nito ay binuksan nit