“HINDI PA TAYO OPISYAL na hiwalay, Saskia. Dahil hindi ko ipinetition sa korte ang annulment paper natin. Kaya mag-asawa pa rin tayo sa papel, sa batas, at sa mata ng mga tao.”
Napalunok siya sa narinig mula kay Weston. Nanginginig din ang kanyang mga labi dahil sa pagpupumilit na pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Kung totoo man ang sinasabi nito, ibig sabihin lang ay totoo ang mga sinabi nito sa kanya noon bago niya ito iwan, na mahal siya nito.
Pero bakit? Bakit naman nito iyon gagawin? Hindi ba halos isuka na siya nito at pandirihan? Alam din niyang pakitang tao lang nito ang ipinakita sa kanyang pagbabait-baitan noon bago niya ito iwan. Dahil alam niyang strategy lang nito iyon para mas lalo siyang masaktan sa bandang huli.
O baka naman, gusto lang siya nitong mas lalong guluhin pa para pasakitan, kaya muli siya nitong binibigyan ng pakiramdam at pag-asa na pwede pang maging sila. Baka ayaw lang talaga nitong makita siyang masaya, at gusto pang gawing ma