“MAY DAHILAN ba sa pag-iiba ng treatment mo sa ‘kin ngayon ang hindi ninyo pagbisita sa ‘kin nung nakaraan?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Katrina. Mukhang inaatake na naman ito ng kasamaan ng ugali.
“Look, pagod ako ngayon, Katrina. Kaya tigilan mo ako sa mga ganyang katanungan,” hindi niya maitago ang iritasyon sa tinig.
“Alam ko kung ano ang pinagkakaabalahan mo at ng pamilya mo, Weston. Alam kong bumalik na si Saskia rito kasama ang anak ninyo. Huwag na huwag mong ide-deny ‘yan sa harapan ko, dahil anumang oras ay pwede kong sabihin ‘yan kay Daddy, at alam mo na ang kasunod na mangyayari pagkatapos,” may pagbabanta sa tono nito.
Hindi na siya nagtaka sa sinabi nito. Magtataka pa ba siya, alam naman niya na buhay ng iba ang palagi nitong inaatupag, kaysa ang pagaksayahan na ayusin ang sarili nitong buhay. Pera-pera na lang talaga palagi ang naghahari sa pagkatao nito.
“So, what kung may alam ka? Magtataka pa ba ako? Eh, mas aktibo ka pa sa pagbabantay sa buhay ng iba kay