DAHAN-DAHANG iminulat ni Saskia ang kanyang mga mata, at ang gwapong mukha ng kanyang asawa ang unang bumungad sa kanya. Tulog na tulog pa ito at naririnig pa niya ang mumuting hilik nito.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha nito. Mula sa malalago at makapal nitong kilay na bahagyang naka kunot kahit na tulog ito, sa malalantik at maitim nitong pilik-mata na dapat ay para sa babae lang, sa ilong nito na perpektong-perkpekto ang pagkakahulma, at sa mga labi nito na mapupula na alam niyang hindi niya pagsasawaang halikan.
Napagtanto niya na parang ngayon lang niya nasilayan ng maayos at malapitan ang mukha ng kanyang asawa. Pinagsawa niya ang mga mata sa magandang tanawin na nasa harapan niya. Hindi na siya magtataka kung bakit baliw na baliw dito si Katrina. Baka nga, kung makita pa ito ni Vivian ay sulutin na naman nito. Alam niya ang karakas nito pagdating sa mga gwapong katulad ng asawa niya.
Kung napalampas niya nung una ang panunulot nito sa dating nobyo niya na si Gerald, ngayo