“Mommy, hindi ba masyadong mainit pa ngayon kung ngayon tayo pupunta?” sambit niya.
“Stop making excuses, Lyla. Let’s go. Maaga pa nga si Lucifer doon sa farm, e.”
Napairap siya sa hangin at humugot ng malalim na hininga. Hinilot niya ang kanyang sintido at sinara ang kanyang laptop. Ano ba namang pakialam niya kung maaga sa farm si Lucifer? Yayaman ba siya? Mababayaran ba nito ang tuition ni Bella for the whole year? Hindi. Kaya wala siyang pakialam.
Tumayo siya kahit na napipilitan at humugot ng malalim na hininga. She faced the closet and bit her lower lip. Ano ba ang dapat na suotin kapag mangangabayo? Hindi niya alam kaya naman nagsuot siya ng maikling short at pinaresan niya ito ng isang hapit na cropped top. Agad niya namang pinatungan ito ng isang yellow summer dress. Huhubarin na lang niya ang dress kung sakaling hindi pwedeng mag-dress na sumampa ng kabayo.
Nagsuot din siya ng isang strap sandals. She tied her hair into a high ponytail and glanced at herself in front of t