HABANG pumupwesto sina Kaizer sa isang table ay hinanap ng kaniyang mata ang waitress na nakita niya. Habang nakikipag-usap sa mga kasamahan ay pasimple siyang tumitingin sa paligid.
Pero lumipas na ang sampong minuto at dumating na rin ang kanilang ka-meet up subalit di talaga natagpuan ng kaniyang mga mata ang dalaga.
Pamilyar sa kaniya ang magandang dalaga. Parang nakita na niya ito somewhere pero hindi niya maalala.
"Hellow Mr. Falcon!" bati sa kaniya ni Doughlas. Ang russian na last year pa nagsimula sa kanilang kalakaran. Kahit isa siyang foreigner ay sa Pilipinas pa rin siya nagsimula. Kaya naging local na rin siya.
"Oh hellow Mr. Chavez. Its nice to meet you," balik bati ni Kaizer kay Doughlas.
"Yes. Ako rin sa totoo lang, excited na akong makasali sa grupo ninyo. Mahirap kasing mamalakad na walang koneksyon," saad nito na kahit kabisado ang pagtatagalog ay di maikakaila na tunog banyaga pa rin siya.
Pero mas okay na 'yun cause after staying in Philippines for more than a yea