Search
Library
Home / Mafia / RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND / Chapter 7

Chapter 7

Author: Ella
2025-02-22 22:21:39

“Good morning po Señorita, Ako po si Lianda, kapag may kailangan po kayo sa akin po kayo lumapit at gagawin ko ‘yon agad.” naka ngiting wika ng isang babae. Nginitian ko rin naman ito

Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil may makakasama na ako dito na isa ring babae. Halos lahat kasi ng narito ay mga lalaki, Lahat pa sila ay hindi ko pwedeng kausapin

“May kailangan ka po ba ngayon señorita?”

Umiling naman ako, “wala po, pwede bang manatili ka muna dito sa tabi ko?”

Nahihiyang napakamot naman ito ng batok, “ayos lang naman sa’kin, ang kaso ang bilin ng señorito e pagkatapos kong gawin ang mga utos mo ay lumabas na ako rito sa kwarto mo.”

Ang lupit niya talaga.

“samahan mona lang ako sa labas.” saad ko, agad naman itong tumango. Nauna akong lumabas at ramdam ko naman ang pag sunod nito sa aking likuran.

Nagtungo kame sa isang cr na nasa labas, dito kung saan alam kong walang cctv na nakakabit

“ano pong gagawin natin dito?” tanong nito“Ano pong ginagawa natin dito?” tanong nito

“May cellphone kaba dyan?”

“M-meron po.” agad kong hinawakan ang kamay nito “Lianda, Please tulungan mo ako. Tulungan mo akong makatakas dito.” pagsusumamo ko habang hawak-hawak ang kamay nito

“Señorita…”

“Please Lianda, Alam kong may pamilya ka rin, ‘yung mga magulang ko, Panuguradong sobra na silang nag aalala sa’kin, Si papa may sakit siya sa puso. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sakanya. Please…” lumuhod na’ko sa harap nito. Desperado akong makatakas dito kaya lahat gagawin ko

“Señorita, Tumayo ka po dyan.” tinulungan ako nitong makatayo

“Tutulungan kita, Hintayin mo ako dito, Nasa kwarto ang cellphone ko.”

Tila nabuhayan ako dahil sa sinabi nito. Laking pasasalamat ko naman sakanya

“Salamat Lianda, tatanawin kong utang na loob ito.”Pinatong nito ang kanyang kamay sa aking kamay, “babalik ako agad.” aniya, tumango-tango naman ako saka ito umalis. Kinakabahan habang hinihintay na makabalik si Lianda. Sana ay walang makahalata sa’min. Ayoko nang may mapahamak pa ng dahil sa’kin, wala lang akong ibang paraan na maisip para makatakas dito kaya humingi ako ulit ng tulong

Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng cr. Ilang minuto na ay hindi parin nakakabalik si Lianda. Nag-aalala na ako sakanya

Nang makarinig ng mga yabag sa labas ay tila nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakabalik na ito

Pero nang bumukas ang pinto ay hindi si Lianda ang bumungad

“Damian?..”

“May iba kapa bang inaasahan?”

Anong ginagawa niya rito, Paano niya nalaman na narito ako.

“W-wala.”

“Come with me.” aniya, kahit kabado ay sumunod ako sakanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan

“Bakit tayo nandito?” tanong ko nang makapasok kame sa kwarto niya. Siguro ay ako nalang ang pupunta sa kwarto ni Lianda mamaya, may tyansa nga na mahuli kame roon ni Damian o kahit sino sa tauhan niya

“I’ve got all your clothes in my room now. Meaning, Dito kana rin matutulog sa kwarto ko.” aniya habang inaayos ang mamahaling relo na suot nito ngayon

“Bakit? Bakit kailangan pa na dito ako matulog?” may tinutuluugan na rin ako ngayon, hindi na kailangan pang lumipat sa kwarto niya

“Because i want to, is there a problem with that?” bumaba na lamang ang aking tingin saka umiling bilang tugon. May problema talaga ako dyan, P-problemahin ko talaga ‘yan ang kaso ay wala naman akong magagawa kahit magsalita pa ako

Buong araw na narito sa bahay si Damian, hindi naman ito madalas dito, hindi kona nga siya halos makita sa bahay na ‘to na pinasasalamat ko rin naman

“Thinking of escaping again?”

Napalunok naman ako, sa lalim ng iniisip ko ay siguro napapaisip na rin ito na balak kona namang tumakas.“h-hindi.”

“D-damian, Pwede bang kahit balita nalang tungkol sa mga magulang ko ang sabihin mo sa’kin? Nag-aalala na ako sakanila.”

Tumigil ito sa ginagawa niya sakanyang loptop at inalis ang eyeglasses na suot niya

“Do you want news about your parents?”

Tumango ako. Sa isang folder ay may nilabas itong mga litrato. Agad akong lumapit upang makita ‘yon

Dapat ay magiging masaya ako dahil kahit man lang sa litrato ay nakita ko sila ulit, pero bakit…

Bakit sa litratong ito ay masaya pa rin sila ni papa

May kasama rin silang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. They seems like a happy family. Hindi pamilyar ang babaeng ito sa’kin

Nawawala ako, Nakidnap ako. Bakit pakiramdam ko ay walang bahid ng pag-aalala sakanila

“Now what?” napatingin ako sakanya nang magsalita ito, mukhang kanina panito pinagmamasdan ang reaksiyon ko dahil dito

“Hinahanap naman nila ako diba?”

“They seem so happy in that photo, Avril. Do you think they’re still searching for you?”

Nag-iwas ako ng tingin sabay pahid ng luha sa aking pisngi

Wala na akong sinabi pa at iniwan ito. Bumalik ako sa kwarto, hindi ganon sina mama at papa. Alam kong hinahanap parin nila ako

Alam kong nag-aalala sila sa’kin bilang anak.

Alam kong hindi nila ako kakalimutan bilang anak.

Sunod-sunod na nagsibagsakan ang aking mga luha. Umupo ako sa sahig habang yakap-yakap ang aking tuhod

“This is the last time you’ll bother me about your parents. Just forget about them.” hindi ko namalayan na sinundan pala ako nito.

“Hinahanap parin nila ako.” pagpipilit ko. Litrato lang ‘yon. Hindi ako naniniwala na tuluyan na akong nakalimutan ng mga magulang ko“Sige, ipilit mo ‘yan sa sarili mo.”

Naglakad ito at naupo sa gilid ng kama, “marami kang hindi naiintindihan Avril.”

“At marami kang naiintindihan? Bakit hindi mo ipaliwanag sa’kin lahat ng ‘to ngayon.”

“Take a rest.” aniya at tumayo

“Damian. Gusto kong malaman ang totoo. Lahat-lahat ng dapat mong sabihin sa’kin, sabihin mo ngayon.”

“Isa lang ang masasabi ko Avril. Kalimutan mona sila dahil kahit minsan ay hindi ka naman nila tinuring bilang anak. Sad but that’s the reality.” aniya bago umalis sa kwartong ito. Naiwan naman akong tila nawala sa sarili matapos marinig ‘yon mula sakanya

Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya

Pero, ano rin namang dahilan para magsinungaling sa’kin si Damian?

Kung ‘yon ang totoo,

Bakit?

Ang dami paring katanungan sa isip ko.Alas syete ng gabi nang lumabas ako sa kwarto. Sa kaiyak ko ay nakatulog na rin ako.

“Señorita, Nasa labas si Señorito.” saad ni Daryl kahit hindi ko naman tinanong. Tumango na lamang ako at nagtungo sa kusina. Nagsalin ako ng tubig saka uminom

“Kakain na kayo señorita.” saad ni Daryl. Muli akong tumango

“Nasaan si Lianda?” tanong ko nang biglang sumagi sa isip ko si Lianda

“Siya ang nagluluto.” sagot nito. Tumango na lamang ako, Mabuti nalang at ayos lang siya

Nagtungo na ako sa dining area matapos non. Nang makarating ay nadatnan kong naka upo na rin si Damian at nagsisimula nang kumain, Umupo na rin naman ako. Sinulyapan ko pa ito na tahimik lamang na kumakain

“Want to say something?” aniya nang hindi inaangat sa’kin ang tingin

“Wala.” sagot ko

Tahimik kaming kumain hanggang sa pareho kaming natapos. Dumiretso na ako sa kwarto at naligo. Pakiramdam ko ay ang lagkit ng katawan ko kaya naligo na ako. Sa bathroom na ako nagbihis pa dahil baka maaabutan ako ni Damian sa kwarto

Matapos ko namang mag bihis ay lumabas na ako sa bathroom. Wala parin si Damian dito, mabuti nalang

Kinuha ko muna ang blower at pinatuyo ang aking buhok. Mahirap na pag natulog akong basa ang buhok

Nakaupo ako habang binoblower ang aking buhok.

Naiisip rin kaya ako nina mama at papa ngayon? Nag aalala rin kaya sila sa’kin ngayon? Kung nakakatulog ba ako ng maayos? Kung anong kalagayan ko ngayon?

Kasi ako, Mula pa nang mapunta ako dito, O nung nakidnap ako. Sila lang ang pumapasok sa isip ko, Kung kamusta sila, kung ayos lang ba sila, Kung nalulungkot ba sila sa pagkawala ko…

Nabalik ako sa wisyo nang biglang may umagaw sa blower na hawak ko, “ginagamit ko pa.”

“Ako na ang gagawa, Wala ka sa sarili habang ginagawa mo ‘yan.

”“Kaya ko ‘to.” akmang aagawin kona ang blower sakanya pero inangat niya ‘yon. Napa buntong hininga naman ako at umayos na ng upo

Wala rin naman akong magagawa dahil sino ba naman ang masusunod dito kundi siya

Ramdam ko pa ang pagdami ng daliri nito sa balikat ko habang hinahawakan ang ilang buhok ko

Ni minsan ay wala pang gumawa sa’kin nito. Si Damian palang

Hindi ko alam na sa kabila ng kasamaan nito may ganitong side rin pala siya

Ilang minuto pa ay natapos na rin ito, Tumayo naman ako at maglalakad na sana patungo sa kama pero pinigilan ako nito

“A-ano?”

Tinitigilan lamang ako nito sabay lapag ng blower

“Come closer.” utos nito. Dahan-dahan naman akong lumapit. Hindi ko alam kung bakit pagdating sakanya ay bigla nalang ako nagiging sunod-sunuran. Sa pagkakataong ito ay hindi ko naman ramdam ang takot sa tabi niya

Naka angat ang aking mukha dahil sa tangkad nito. Hinawakan nito ang aking kamay nang hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata

Hinayaan ko lamang siya na gawin ‘yon. Dinala nito ang aking kamay sa adams apple nito na agad ko namang naramdaman ang paglunok niya

One of his hands is around my waist, “Damian..” mahinang tawag ko

“Hm?”

“Inaantok na ako.” saad ko. Ayoko nang maulit pa ang nangyari sa’min

“Then?”

“Take your hands off my waist.” saad ko

“Oh yeah.” binitawan niya nga ang isa kong kamay at inalis naman niya ang kamay niyang nasa bewang ko pero mabilis rin naman akong naitulak sa kama

“Damian?” tawag kong muli rito nang hubarin nito ang kanyang shirt.

“What?”

“You’re not using protection, Aren’t you?”

“I’m not.” agad akong bumangon at muntikan pang mahulog sa kama sa sobrang taranta na baka makalapit na ito

“Lumayo ka sa’kin.” kinuha ko ang unan at hinarang ‘yon saaking katawan. Tumigil naman ito at napabuntong hininga, Napailing pa ito at bago muling isuot ang damit niya saka lumabas ng kwarto

Hindi ba siya nag iisip sa pwedeng mangyari. Ayokong may mabuo

Babalik pa ako sa pamilya ko at itutuloy ang pangarap ko. Hindi dito matatapos ‘yon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP