Search
Library
Home / Romance / SOLD For Him (Tagalog) / Chapter 24

Chapter 24

Author: LauVeaRMD
2023-01-24 15:05:30

ISANG linggo na ako dito sa kwartong ito, isang linggo na din akong nakakulong dito. Hindi nila ako pinalabas. Kahit na hindi naman ako tatakas.

Bumukas ang pinto. Hindi ko nilingon ang pumasok. Wala naman ding saysay kong makikipagtalo pa ako sa kanya. Nanatili akong nakaupo sa kama at nakatingin sa labas ng bintana, dito sa kwarto ko.

"Sabi ni Nanay Jossy, ayaw mong kumain. Bakit?" tanong nito sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Ayaw kong magsalita. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mabulyawan niya ako. Unti-unti na ding bumabalik ang mga nawala kong ala-ala. Pero, alam ko. Wala pa sa kalahati ang na alala ko.

"Talk to me, please. Ayaw kong tahimik ka," sambit nito sa akin.

Nanatili pa rin akong tahimik. Bumuntonghininga ito.

"Anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo para naman mapanatag ako."

"Pakawalan mo ako," walang emosyong kong sambit.

"Hindi pwede. Papakawalan lang kita, pagkatapos ng engagement party natin."

Napalingon ako sa kan'ya ng wala sa oras.

"Anong engagement?"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP