Eliza POV
Naggising ako sa isang estrangherong silid na mabigat ang pakiramdam. Buong gabi at magdamag akong walang tulog sa kakaiyak sa naganap sa amin ni Enzo. Hindi totoong tulog ako, gising na gising ang aking diwa at ramdam na ramdam ko ang bawat haplos niya sa akin. Haplos ng pagmamahal at ng pagkasabik.
Tumugon din ako sa kanyang mga halik at hindi ko rin napigilan ang aking sarili na masarap at manabik sa kanya. Mahigit sampung taon na rin ng una kong matikman ang kanyang mga labi. His soft and sensual lips na naglabkay at nagbigay ng nakakaliyong damdamin sa bawat parte ng aking katawan. He touched me and devoured my flesh eagerly last night.
Kinapa ko ang aking sarili sa ilalim ng comforter. Hindi ko pa rin naayos ang aking damit bukas pa rin ang mga butones ng aking long-sleeve blouse at nasa paanan ko pa rin ang aking panty at palda. Hindi ko na pinag-aksayan pang ayusin ang aking sarili mula ng walang sabi-sabi na lumisan sa aking kandungan si Enzo kagabi.