Eliza POV
Hindi ko mapigilang maiyak sa aking natuklasan. Iyak na may kaakibat na saya at tuwa. Nagbubunyi ang aking puso na malamang pinahalagan pala ni Enzo ang aking munting pangarap noong ako'y isang inosenteng bata pa lamang. Halos makalimutan ko na itong secret garden na aking inaasam dahil na rin sa mga mapapait na nangyari sa aking buhay.
Kung sa noon ay mahilig akong mangarap ng mga bagay bagay na kalabisan at tiyak kong malaking halaga ang katumbas. Sa nakalipas na sampung taon, ang nakatatak sa aking puso't isipan ay takot, poot at matinding hangaring makapaghigante. Ang kasayahan ko lamang ngayon ay matugunan ang aking pangunahing pangangailangan. Iyon lang ay sapat na sa akin upang magpatuloy sa buhay.
Malayong-malayo na ang prinsesang Eliza na nakasama at nakilala ni Enzo sa noon sa kasalukuyan.Gusto kong kalimutan na ang dating Eliza na mahina, mapagkumbaba, malambing at madaling magtiwala ngunit sa mga ipinapakita ni Enzo ngayon ay bumabalik ang kahapon,