"Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post.
Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan.
“Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.”
"Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.”
"Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!"
...
Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n