Chapter 060
Cris POV
Napailing ako habang pinagmamasdan si Merlyn na namumula pa rin sa sinabi ni Mommy. Ang cute niyang makita na ganito—nahihiya pero hindi makapagsalita.
Lumapit ako sa kama at naupo sa tabi niya. “Sweetheart, bakit parang gusto mong lumubog sa kama?” biro ko habang iniaabot sa kanya ang gamot at tubig.
Sinamaan niya ako ng tingin bago marahang kinuha ang baso. “Ikaw kasi! Kung hindi mo lang ako pinagod ng ganito, hindi ako mapapansin ni Mommy!”
Hindi ko napigilan ang ngiti ko. “Alam mo, dapat nga nagpapasalamat ka sa akin. Ngayon, may dagdag na supporter tayo sa ‘plano’ natin.”
Napangiwi siya at uminom ng gamot. “Anong plano?”
Hinaplos ko ang pisngi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa mukha niya. “Ang magkaroon ng baby.”
Halos mabulunan siya sa narinig at mabilis na tiningnan ako. “Cris! Hindi ko pa sinasabing ready ako diyan!”
Tumawa ako at hinila siya papalapit para yakapin. “Alam ko, sweetheart. Pero ‘di ba sabi mo kanina, wala nang bawian?” b