Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
View MoreChapter 01
"Ma, Pa! Bakit ganito?" hinagpis kong sabi habang humahagulgol ako ng iyak. Sino bang hindi maiyak ng pagdating mo sa bahay upang surpresahin sila ay ako ang na surpresa sa nakita. Kaya pala mailap ang mga matang nakatingin sa akin ang mga kapit bahay namin dahil sa eksenang nabungaran ko. "A-ang kapal din ng pagmumukha mo, Alex! Bakit ang kapatid ko pa?!" sumbat ko dito, nais ko silang pagmumurahin lahat at ipinakmukha ko kung gaano ka sakit ang kanilang ginawa sa akin. Habang matalim akong tumingin sa dalawang taong nagtaksil sa akin ay hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko nang nakitang malaki ang tiyan ng bunso kong kapatid at sa tingin ko ay nasa anim na buwan na ito. "B-bakit hindi ninyo pina-alam sa akin, ma? Hindi pa ba sapat na ginawa ko ang lahat upang guminhawa ang buhay natin? At ikaw, sina-kripesyo ko ang buhay ko sa ibang bansa upang makapagtapos ka ng pag-aaral, pero ito ang ginawa ninyo sa akin," sumbat ko dito. "Hoy, Merlyn? Aba, sumusobra kana! Isusumbat mo sa amin ang ginawa mo para sa amin? Aba'y dapat lang dahil anak ka lang namin, kaya dapat na buhayin mo kami!" singhal niyang sabihin sa akin. "Bakit, ma? Sabi mo nga na anak niyo ako, pero bakit ganito ang ginawa ninyo ang pagtakpan ang kabalastugang at pagtraydor nila sa akin," iyak kong sumbat. "Alam mo, Ate Merlyn, hindi mo naiintindihan," matapang na sabi ng bunso kong kapatid habang hawak-hawak ang tiyan niyang malaki. "Hindi ko sinasadya, pero mahal namin ang isa't isa." Para bang pumasok sa pandinig ko ang isang bagay na wala akong kakayahang intindihin. Mahal daw nila ang isa't isa? Paano nangyari iyon habang nasa malayo ako, nagkakayod-kalabaw para lamang masuportahan silang lahat? Hindi ba sapat ang lahat ng sakripisyong ibinigay ko? "Alex, ikaw?" Tumitig ako sa lalaki na minsan kong minahal ng buong puso. "Ito na ba talaga ang kaya mong gawin? Ang ipagpalit ako sa sarili kong kapatid? Napakawalang hiya mo!" "Merlyn, hindi ito ang iniisip mo," sagot ni Alex, ngunit halata sa mukha niya ang pagkabog. "Hindi ko gustong saktan ka, pero ito ang nangyari. Hindi natin kayang kontrolin ang puso—" "Huwag mo akong turuan tungkol sa pagmamahal, Alex!" Napasigaw ako, hindi alintana kung marinig man kami ng mga kapitbahay. "Kung talagang mahal mo ako noon, hindi mo ako pagtataksilan. Hindi mo magagawang gawin ito sa akin!" Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mama sa akin, pero imbes na aliwin ako, mas lalo lamang akong nasaktan. "Anak, intindihin mo na lang. Hindi natin maibabalik ang nakaraan. Nangyari na ang nangyari, at mahalaga ngayon ay tanggapin mo na ang sitwasyon." "Tanggapin?!" Napaatras ako, parang tinulak ng mga salitang binitiwan niya. "Paano niyo nagawang sabihin 'yan sa akin, Ma? Ako na nga ang nagsakripisyo, pero parang ako pa ang masama ngayon? Hindi niyo man lang naisip ang sakit na dulot nito sa akin?" Ang buong kwarto ay napuno ng katahimikan. Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Ang dating tahanang puno ng saya at pagmamahalan ay nagmistulang hukay ng mga pangarap kong nawasak. Napayuko ako, pilit itinatago ang mukha kong basang-basa ng luha. Hindi ko na kaya. Kailangan kong umalis. Hindi ko na kayang manatili sa lugar na ito—sa lugar na tila naging impiyerno dahil sa mga taong pinili kong mahalin. "Merlyn, saan ka pupunta?" habol ni Mama, ngunit hindi ko na siya nilingon pa. "Sa lugar kung saan hindi ko na kayo makikita," sagot ko, bitbit ang kaunting dignidad na natitira sa akin. Habang naglalakad palabas, naramdaman ko ang bawat bigat ng desisyong kailangan kong gawin. Iniwan ko ang pamilya ko, ang lalaking minahal ko, at ang buhay na minsan kong inakala'y perpekto. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit, alam kong kailangang magsimula muli—mag-isa. Habang naglalakad ako nang walang direksyon, hinayaan ko na lang na ang mga luha ko'y patuloy na bumagsak. Ang bigat sa dibdib ko ay tila walang katapusan. Parang wala nang dahilan para huminga o mabuhay pa. Ngunit sa kalagitnaan ng pag-iisa, naramdaman ko ang biglang pagyakap sa aking likuran—mahigpit, parang ayaw akong pakawalan. Napapitlag ako at agad na napalingon. "Alex?!" Halos isigaw ko ang pangalan niya habang nag-aalab ang galit sa aking boses. "Ano pa ba ang gusto mo? Hindi pa ba sapat ang sakit na dinulot mo sa akin?" "Merlyn, pakinggan mo ako!" pakiusap niya habang nakaluhod na ngayon, tila nagmamakaawa. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong masaktan ka. Mahal kita, pero—" "Pero ano, Alex?!" putol kong sabi, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. "Mahal mo ako, pero nagawa mong ipagpalit ako sa kapatid ko? Ano 'to? Para kang bata na nagkamali at gusto lang ng sorry para maayos ang lahat?" Hindi siya agad nakasagot. Nakayuko siya, parang hinahanap ang tamang salita, pero para sa akin, wala nang salitang makakabura sa ginawa niya. "Hindi ko sinasadya na mahulog sa kanya, Merlyn," halos pabulong niyang sabi. "Pero hindi ibig sabihin na hindi kita mahal. Alam mo 'yan." Napatawa ako, pero punong-puno ng pait. "Mahal? Alam ko? Alam mo kung ano ang alam ko, Alex? Na kaya kong isakripisyo ang lahat para sa'yo. Na ako lang ang nagmahal ng buo habang ikaw, naghanap ng iba. Kung 'yan ang pagmamahal mo, ayoko na." Nakita kong tumulo ang luha niya, pero hindi ko na kaya pang maawa. Kahit ano pang sabihin niya, kahit ano pang paliwanag ang ibigay niya, hindi na mabubura ang sugat na iniwan niya sa puso ko. Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero alam ko isang bagay: hindi ko na kailanman hahayaang bumalik siya sa buhay ko.Chapter 0102"Salamat, Merlyn. For giving her forgiveness," mahina ngunit taos-puso kong sabi habang hinahawakan ang kamay niya. "At ngayon, wala na akong alinlangan pang harapin ang pamilyang minsang nawasak ko noon. Ngayon, buo na ang desisyon ko—bubuoin ko ulit ito, kasama ka sa bawat hakbang."Tiningnan ko siya sa mata—ang babaeng minsan kong sinaktan, pero ngayon ay pinipili pa rin akong mahalin."Kasama ka, si Mila… at ang bagong miyembro ng ating pamilya. Kayo ang mahalaga sa akin, Merlyn. Kayo ang dahilan ng bawat araw ko ngayon. Tama si Mommy—napakabusilak ng puso mo. Hindi lahat ng nasaktan ay kayang magpatawad. Pero ikaw… ikaw ang dahilan kung bakit naniniwala ulit ako sa pangalawang pagkakataon."Hindi man siya agad sumagot, ngunit ang paghapit ng kamay niya sa akin at ang munting ngiti sa kanyang labi ay sapat na upang malaman kong tama ang desisyon ko—ang ipaglaban ang pamilya namin.Merlyn:"Simula ngayon, wala nang balikan. Ang tanging direksyon natin… ay pasulong, Cri
Chapter 0101 Cris POV Labis akong nasorpresa sa pagdating nila sa opisina—lalo na’t hindi ko inaasahan na makikita ko silang dalawa sa gitna ng napakaraming iniisip ko ngayon. Sa pagitan ng mga tawag, meeting, at papeles, ang presensya ni Merlyn at ni Mila ang nagsilbing liwanag sa araw kong halos malunod na sa trabaho. Tumayo agad ako at mabilis na nilapitan si Mila. “Anak…” yakap ko sa kanya ng mahigpit. Para bang sa bawat yakap ay napapawi ang pagod at lungkot na ayaw kong ipakita sa iba. Napatingin ako kay Merlyn. Bitbit niya ang pagkain na paborito ko. May ngiti siya sa labi, pero bakas sa mga mata ang lalim ng damdaming pilit niyang tinatago. “Merlyn…” mahina kong sambit. “Salamat. Hindi niyo alam kung gaano ko na-miss ang ganitong pakiramdam.” Ngumiti siya ng bahagya. “Kumain ka na. Baka sumakit na naman ang tiyan mo sa stress mo diyan.” Napangiti ako. Kahit papaano, ramdam kong unti-unti kaming bumabalik sa dati. O baka… mas higit pa. Akmang ihahanda na niya ang
Chapter 0100Napalunok ako at bahagyang napangiti. "Salamat po. Hindi ko inaasahan 'to."Tumayo siya at iniabot ang kamay sa akin. "Ingatan mo siya, Merlyn. Maraming galit sa kanya—pero mas marami ang nagmamalasakit."Hawak ang kanyang mga sinabi, tumango ako. "Pangako."At habang paalis na siya, hindi ko maiwasang mapatingin sa langit. Minsan talaga, ang pagsubok ay dumarating hindi para sirain ka… kundi para ipaalala kung gaano kahalaga ang taong pinili mong patawarin at mahalin muli.Agad akong napatingin sa sobre.Dahan-dahan ko itong binuksan at isa-isang inilabas ang laman. Mga larawan. Lahat ng iyon… si Cris.Una, larawan niya sa sulok ng isang bar. Mag-isa. Hawak ang isang baso ng alak, malamlam ang mga mata, para bang wala nang pakialam sa paligid.Sumunod, larawan niya sa loob ng opisina. Nakaupo sa lamesa, tila wala sa sarili habang nakatitig sa kawalan. Sa ibang larawan, puro papel ang nasa harap niya, pero halatang hindi siya nagtatrabaho—halos patagilid na ang ulo, tila
Chapter 0991 Year LaterMula nang pinatawad ko si Cris at binigyan siya ng panibagong pagkakataon, tila ba unti-unting bumalik ang liwanag sa buhay namin. Hindi man madaling kalimutan ang sakit ng nakaraan, araw-araw siyang nagpapatunay na totoo ang pagbabago niya. At sa bawat ngiti ni Mila, alam kong tama ang naging desisyon ko.Ngayon, May 16, 2023, ay espesyal na araw—ika-7 kaarawan ng aming anak na si Mila. Simple lang ang handaan pero punong-puno ng saya at pagmamahal. Nandito ang ilang malalapit naming kaibigan at pamilya. Si Mommy Crisanta ang abalang-abala sa paghahanda ng paborito ni Mila—spaghetti, fried chicken, at chocolate cake.“Happy birthday, anak,” bulong ko habang pinupunasan ang mantsa ng icing sa pisngi niya.“Mahal ko kayo, Nanay, Tatay,” sagot niya habang yakap kami ni Cris.Napangiti ako. Lumaki siyang matalino, masayahin, at maalalahanin. Pero hindi ko maikakaila—nakuha niya ang pagiging seryoso ni Cris. Madalas siyang tahimik kapag may bagong tao sa paligid,
Chapter 098Tumango si Cris, mariin, habang hawak ang aking kamay na parang ayaw nang pakawalan. “Hindi ko na sasayangin, Merlyn. Hindi na.”“Binigyan kita ng another chance, Cris,” seryoso kong sambit habang diretso siyang tinitingnan. “Sana… at sana talaga, hindi mo ako bibiguin. Dahil kapag nasira mo pa 'to, hindi lang ako ang masasaktan—pati si Mila.”Huminga siya nang malalim, bago muling nagsalita, “Alam kong matagal pa bago mo ulit buuin ang tiwala mo sa akin… pero araw-araw kong patutunayan na karapat-dapat akong pagkatiwalaan. At mamahalin.”Tahimik akong tumango. Hindi pa ito ganap na kapatawaran, pero ito ay simula. Simula ng muling pagtayo, at posibleng… muling pagmamahalan.Pagkatapos naming mag-usap ni Cris ay sabay kaming lumabas ng library. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa hardin, pero sa bawat hakbang ay ramdam ko ang kakaibang gaan sa dibdib—parang kahit paano, may bahagyang nabunot na tinik sa puso ko.Pagdating namin sa hardin ay agad naming nakita si Mila
Chapter 097Pagkatapos kong magsuklay ng buhok at mag-ayos sa sarili, agad akong lumabas sa guestroom para sundan si Mila. Sa pagbaba ko ng hagdan, agad kong narinig ang tawanan ng aking anak mula sa dining area.“Mila, dahan-dahan baka mabilaukan ka,” sabay tawa ni Mommy habang pinupunasan ang bibig ni Mila.“Nanay!” tawag ni Mila nang makita ako. “Ang sarap po ng sinangag! Tikman niyo po, dali!”Ngumiti ako at lumapit. “O siya, titikim na si Nanay.”“Good morning,” bati ni Cris na noo’y tahimik lamang na nakaupo at umiinom ng kape.“Good morning,” tugon ko habang umupo sa tabi ni Mila. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, pero pinili kong ituon ang atensyon ko kay Mila na masiglang nagkukuwento tungkol sa mga panaginip niya."Manang, masarap ang luto mo ha," ngiti ko sa kanya."Naku salamat, Ma'am Merlyn. Natutuwa akong makitang buo ulit kayo dito," sagot ni Manang, may halong saya at luha sa mata.Tahimik akong napaisip. Siguro nga… unti-unti na akong tinatanggap muli ng ta
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments