Tahimik ang paligid ng kubo, tanging ang mahinang ihip ng hangin sa tabing-dagat ang maririnig. Sa loob, nakaupo si Belle, buhat si baby Leo habang hawak ang kamay ni Anabella. Si Luke ay nasa tabi niya, bagama’t kita ang paninikip ng dibdib sa tensyon ng oras.
Sa labas ng pintuan, nanginginig ang tuhod ni Sara habang hawak ng mahigpit ni Aling Glenda ang kanyang kamay.
“Kaya mo ’to, anak,” bulong ni Glenda, pinipigilang manginig ang tinig. “Nandito lang ako.”
Tumango si Sara, bagama’t ramdam niya ang malamig na pawis sa kanyang likod at noo. Sa bawat hakbang palapit sa pintuan ng kubo, parang may bumabating tinig sa kanyang puso—tila pamilyar, tila matagal nang nawala.
Binuksan ni Aling Glenda ang pinto.
Muling bumukas ang lahat.
Sa unang sulyap, huminto ang mundo ni Belle. Napatayo siya, hindi alintana ang pagbagsak ng laruan ni Anabella sa sahig. Ang kanyang mga mata'y mabilis na napuno ng luha. Sa kanyang harapan—ang babaeng inakala niyang nawala na magpakailanman. Ang kakambal na