Home / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 226

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 226

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-06-25 21:49:36

Naputol ang kanyang sinabi. Umiwas siya ng tingin, pinipigilang lumuha. “Pero ngayon… hindi ko na alam kung may karapatan pa akong lumapit.”

Tahimik na napaluha si Sara. Lumuhod siya sa harap ni Anabella, tinitigan ang inosenteng mata ng bata.

“Anak…?” tanong niya, halos hindi marinig ang sarili. “Ako ba ang… Mommy mo?”

Ngumiti si Anabella, saka tumango. “Opo, Mommy Ana. Ikaw po ‘yung nasa drawing ko sa notebook. Lagi ka pong kinukwento ni Daddy sa’kin.”

Lalong naluha si Sara. Walang alaala ang bumalik—wala ni isang eksaktong imahe sa isip—pero ang puso niya, tila biglang nainitan sa lamig ng mga taon.

Mahigpit niyang niyakap si Anabella, sabay sabing, “Kahit hindi pa bumalik lahat ng alaala ko, pakiramdam ko… ikaw talaga ang anak ko. Ramdam ko sa puso ko. Mahal na mahal kita…”

Tahimik na lumapit si Luke. Sa wakas, lumuhod siya sa tabi nila. Hinawakan niya ang kamay ni Sara—marahan, dahan-dahan, tila baka bigla siyang mawala.

“Kung sakaling bumalik ang lahat… kung maalala mo man ako b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 227

    Tahimik si Sara. Tahimik din si Luke. Hangin lamang at ang alingawngaw ng alon sa malapit na tabing-dagat ang kanilang saksi.Maya-maya, unti-unting lumapit si Sara kay Belle. Nakatitig pa rin sa sanggol.Hinaplos niya ang pisngi ng bata. “Si Leo…”Napakagat ng labi si Belle. “Oo. Leo ang pangalan niya. Luke ang pumili n’yan.”Hinawakan ni Sara ang kamay ni Belle, nanginginig.“Hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko,” wika niya, tinig na basag ngunit kalmado. “Masakit… parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Pero may isang parte sa puso ko na… natutuwa pa rin na buhay ako. Na may nagmahal sa anak ko. Na may tumayong ina sa kanya.”Nagulat si Belle. “Sara…?”“Hindi pa ako nagpapatawad,” mabilis na dagdag ni Sara, nangingilid pa rin ang luha. “Pero hindi rin ako galit. Gulong-gulo ako. Nawalan ako ng alaala… pero ngayon, mas mahirap pa yatang alalahanin ang katotohanan.”“Hindi kita pipilitin,” sabi ni Belle, tinig na puno ng kababaang-loob. “Kung kailan mo kayang tanggapin ang

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 226

    Naputol ang kanyang sinabi. Umiwas siya ng tingin, pinipigilang lumuha. “Pero ngayon… hindi ko na alam kung may karapatan pa akong lumapit.”Tahimik na napaluha si Sara. Lumuhod siya sa harap ni Anabella, tinitigan ang inosenteng mata ng bata.“Anak…?” tanong niya, halos hindi marinig ang sarili. “Ako ba ang… Mommy mo?”Ngumiti si Anabella, saka tumango. “Opo, Mommy Ana. Ikaw po ‘yung nasa drawing ko sa notebook. Lagi ka pong kinukwento ni Daddy sa’kin.”Lalong naluha si Sara. Walang alaala ang bumalik—wala ni isang eksaktong imahe sa isip—pero ang puso niya, tila biglang nainitan sa lamig ng mga taon.Mahigpit niyang niyakap si Anabella, sabay sabing, “Kahit hindi pa bumalik lahat ng alaala ko, pakiramdam ko… ikaw talaga ang anak ko. Ramdam ko sa puso ko. Mahal na mahal kita…”Tahimik na lumapit si Luke. Sa wakas, lumuhod siya sa tabi nila. Hinawakan niya ang kamay ni Sara—marahan, dahan-dahan, tila baka bigla siyang mawala.“Kung sakaling bumalik ang lahat… kung maalala mo man ako b

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 225

    Tahimik ang paligid ng kubo, tanging ang mahinang ihip ng hangin sa tabing-dagat ang maririnig. Sa loob, nakaupo si Belle, buhat si baby Leo habang hawak ang kamay ni Anabella. Si Luke ay nasa tabi niya, bagama’t kita ang paninikip ng dibdib sa tensyon ng oras.Sa labas ng pintuan, nanginginig ang tuhod ni Sara habang hawak ng mahigpit ni Aling Glenda ang kanyang kamay.“Kaya mo ’to, anak,” bulong ni Glenda, pinipigilang manginig ang tinig. “Nandito lang ako.”Tumango si Sara, bagama’t ramdam niya ang malamig na pawis sa kanyang likod at noo. Sa bawat hakbang palapit sa pintuan ng kubo, parang may bumabating tinig sa kanyang puso—tila pamilyar, tila matagal nang nawala.Binuksan ni Aling Glenda ang pinto.Muling bumukas ang lahat.Sa unang sulyap, huminto ang mundo ni Belle. Napatayo siya, hindi alintana ang pagbagsak ng laruan ni Anabella sa sahig. Ang kanyang mga mata'y mabilis na napuno ng luha. Sa kanyang harapan—ang babaeng inakala niyang nawala na magpakailanman. Ang kakambal na

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 224

    Huminga nang malalim si Belle, mahigpit ang hawak sa anak. “Oo. Kahit anong mangyari… kailangan ko siyang makita.”At sa muling paghakbang papasok sa bakuran ng kubo, ramdam ni Belle na ang bawat segundo ay isang panalangin. Panalangin na sana… sa pagharap niya sa babaeng minahal ng tadhana bilang Sara, makilala siya nito bilang Belle—ang kakambal, ang kapatid, ang bahagi ng kanyang nakaraan na matagal na niyang nalimot.Mula sa pintuan, lumapit si Aling Glenda, dahan-dahang tinatapakan ang mga tuyong dahon sa lupa. Nang makita niya nang buo ang mukha ni Belle, hindi niya napigilang mapatigil. Napakapit siya sa poste ng bakod at saglit na pinikit ang mga mata. Sa kanyang harapan ay tila muling nabuhay ang larawang bumabagabag sa kanya gabi-gabi—ang mukha ni Sara, ngunit ngayon ay nasa isang di-kilalang babae.Nanginginig ang kanyang kamay habang inilapat ito sa pisngi ni Belle.“Kamukha mo talaga siya…” mahinang bulong ni Aling Glenda, halos hindi lumalabas ang tinig. “Parang… para ka

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 223

    Habang humahampas ang malamig na hangin mula sa karagatan, isa-isang umakyat sa bangka sina Belle, Luke, ang baby na si Leo na mahigpit na yakap ni Luke, at si Anabella na tangan ni Belle. Kasunod nila si Adrian, na tumulong sa pagsampa ng mga gamit, at ang private investigator na tahimik ngunit alerto, animo’y naghahanda sa malaking rebelasyon.Ang langit ay kulay abong bughaw, tila kinikimkim din ang bigat ng araw na iyon. Sa kalmadong baybayin ng Santa Lorenza, sumisigaw ang katahimikan ng dagat sa lalim ng mga damdaming pilit na pinapanday sa bawat alon ng kabog sa dibdib ni Belle.“Dahan-dahan lang, Ma’am,” ani Adrian habang inalalayan si Belle paakyat sa bangka. “Medyo madulas itong kahoy kapag nabasa.”“Salamat,” mahinang tugon ni Belle. May panginginig sa boses niya—hindi sa lamig, kundi sa tensyong kanina pa niya pinipigilan. Sa dibdib niya, parang may mabigat na batong nakadagan, na ang tanging lunas ay ang makaharap si Sara.Nang makasakay na silang lahat, umupo sila sa loo

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 222

    Samantala, sa maliit na kubo sa gilid ng palengke, tahimik na nakaupo si Sara habang nakatitig sa kawayan na dingding. Kakababa lang ng tawag ni Adrian, at ang bawat salitang sinabi nito ay tila nagsasayaw pa rin sa kanyang isipan.“Ako raw ay may kakambal…”Hinawakan niya ang dibdib, ramdam ang mabilis na pintig ng puso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may kilig at takot sa kanyang mga ugat. Parang matagal na niyang alam, ngunit ngayon lang nabigyan ng pangalan.Lumapit si Nanay Glenda, dala ang isang tasa ng mainit na salabat. “Anak, halika na’t uminom ka muna. Kanina ka pa tulala riyan.”Tahimik na tinanggap ni Sara ang tasa. Nanginginig ang kanyang mga daliri.“Nay… may sinabi si Adrian,” mahinang wika ni Sara, halos pabulong, habang nakatitig sa tasa ng salabat na bahagya na lang ang usok. “Yung babaeng hinahanap ko… yung kamukha ko raw… pumunta sa resort. Baka raw… baka kakambal ko siya. Nasa kabilang isla. Naghahanap sa’kin.”Biglang napahinto si Tatay Romero sa pagsasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status