Chapter 21
Calista POVPagkatapos niyang ihatid si Princess sa kwarto, tumayo si Levi sa may pintuan at tinignan pa kami sandali. Nakatayo lang ako sa tabi ng kama ni Princess, pinapanuod kung paanong dahan-dahan na ring bumigat ang paghinga ng bata habang himbing na himbing sa tulog. Tahimik. Payapa."Calista," tawag ni boss.Napalingon ako sa kanya. Nakatayo siya doon, seryoso pa rin ang mukha. Walang bakas ng pagod, kahit pa ilang beses kaming nagkulitan at nagbanggaan kanina."Babalik muna ako sa opisina. May kailangang tapusin," aniya habang inaayos ang wristwatch niya. Parang automatic na galaw na lang sa kanya ang maging propesyonal. Kahit nakasando lang siguro yan at naka-boxers, CEO pa rin ang dating.Tumango ako. "Sige. Ako na bahala kay Princess."Tumango rin siya. Pero bago tuluyang lumabas ng kwarto, tumingin siya ulit sa akin. Hindi ako sigurado kung may sasabihin pa siya o wala, pero tumalikod na rin siya sa h