Chapter 43
(Calista POV)Bitbit ko ang dalawang maleta namin ni Princess habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdanan. Hindi ko na alam kung paano ko napagkasya ang lahat ng gamit naming mag-ina—ay este, mag-yaya at bata. Pero sa totoo lang, parang may excitement akong hindi ko maipaliwanag. First time kong makakalabas kasama sina Sir Levi at Princess para sa isang vacation."Faster, Yaya!" sigaw ni Princess mula sa ibaba, naka-cross arms pa siya habang nakanguso."Wait lang, Princess! Mabigat to eh," sabi ko habang todo ingat sa bawat hakbang ko pababa. Pero dahil na rin sa bigat at awkward na size ng mga maleta, pakiramdam ko anytime e pwede akong matapilok—at ayun na nga! Muntik na akong madulas at matumba."AHHH!" Napapikit ako at akmang bibitaw na sana sa gamit ng maramdaman kong may humila sa likod ng damit ko. Nang dumilat ako, si Sir Levi pala. Nakakunot-noo at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala."Bakit ba kasi pin