Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na.
Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon.
"Hello," antok na antok pa ang kanyang boses.
"Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez.
Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya.
"Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah.
"Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah.
"Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni